Thursday , June 4 2026

Misis ini-hostage ni mister (2 anak, 3 buwan ‘di nakita)

082714 police line crime

DAGUPAN CITY – Dahil sa hindi pagsunod ng kanyang asawa sa kanilang kasunduang magkikita silang mag-anak, ini-hostage ng isang padre de pamilya ang kanyang misis sa bayan ng Malasique, sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa.

Hindi napigilan ng suspek na si Julius Palomino ang sama ng loob na nararamdaman nang hindi tumupad ang misis na iharap ang dalawa nilang mga anak sa kanya.

Nahirapan ang mga pulis na kombinsihin ang pagpapalaya sa kanyang misis na ini-hostage ng suspek sa bahay ng kanyang lola habang isinisigaw ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa asawa.

Nang sabihin na ipasusundo ang mga anak na nasa bayan ng Calasiao nang maganap ang insidente, ay saka lamang kumalma ang suspek.

Napag-alaman, tatlong buwan nang hindi nakikita ni Palomino ang mga anak makaraan silang maghiwalay ng kanyang misis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …