Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Uploader ng sex video ni Paolo Bediones tinutunton ng PNP (Nagpadala ng blackmail letter)

080314 cybercrime paolo bediones

INILAGAY ni TV5 news anchor Paolo Bediones sa kanyang  Instagram account ang larawan ng blackmail letter na kanyang tinanggap kaugnay sa video ng pakikipagtalik niya sa isang starlet.

“At the PNP-Anti Cybercrime Division. Investigation has begun. Please help me put a stop to this. Thank you,” ayon sa inilagay na caption ni Bediones sa kanyang post.

Si Bediones ay naghain ng reklamo sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group kaugnay sa pagkalat ng kanyang private video sa Internet.

Sa kanyang reklamo, nakatanggap siya ng blackmail letter kaugnay sa video tatlong buwan makaraang ipa-repair ang nasira niyang laptop.

Ang nasabing video, ayon kay Bediones na kuha limang taon na ang nakararaan, ay naka-save sa nasabing laptop.

Binalewala ni Bediones ang sulat na nakasaad sa blackmail letter, ang video ay hindi ilalabas sa publiko kung tatawag si Bediones sa cellphone number na nasa sulat.

“Hawak ko ngayon ang mga sex videos mo. Madali naman akong kausap! Kung ayaw mong lumabas ito sa publiko, tawagan mo ako,” ayon sa sulat.

Iniimbestigahan ng PNP ang kaso, at tinutunton ang links ng video para mabatid kung sino ang nag-upload sa Internet.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …