Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Half-sister ni Drew Barrymore nag-suicide

080314 jessica drew barrymore080314 jessica drew barrymore

LOS ANGELES (Reuters) – Natagpuang patay ang half-sister ng aktres na si Drew Barrymore sa loob ng kanyang sasakyang nakaparada sa suburban ng San Diego street, ayon sa San Diego County Coroner nitong Miyerkoles.

Si Jessica Barrymore, 47, anak ng actor na si John Drew Barrymore, ay natagpuang patay sa National City, south of San Diego, nitong Martes, dalawang araw bago ang kanyang kaarawan, ayon sa coroner.

Sa ulat ng San Diego television station, ang biktima ay nagtatrabaho sa local pet store.

Sinabi ni Drew Barrymore, 39, star ng pelikulang “Scream” at “Charlie’s Angels,” hindi niya gaanong kilala ang kanyang half-sister.

“Although I only met her briefly, I wish her and her loved ones as much peace as possible and I’m so incredibly sorry for their loss,” pahayag ng aktres.

Iniulat ng San Diego’s ABC TV-affiliate KGTV, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng isang local woman, nagsabing ang kotse ay nakaharang sa kanyang driveway, at maraming pills ang nakakalat sa passenger seat ng nasabing sasakyan.

Plano ng coroner’s office na isailalim ang bangkay sa awtopsiya upang mabatid ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Ang ama ng magkapatid, anak ng early Hollywood star John Barrymore, ay makailang beses na nagpakasal. Namatay siya noong 2004.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …