To Señor H,
Im Johnny, nnagnip ako naliligo ako sa ulan, malakas daw yung ulan, tapos ay bigla ngbaha na, my konksiyon b ito sa mga pag ulan at pgbaha ngaun s ating bansa? wag mo n lng popost # ko, salamat ng mrami senor h..
To Johnny,
Ang panaginip mo ay may kinalaman sa paglilinis mula sa iyong mga suliranin at kaguluhan sa buhay. Ang ulan ay simbolo rin ng fertility at renewal. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin na sagisag ng kapatawaran at biyaya. Subalit, puwede rin namang metaphor ito ng luha, pag-iyak o kalungkutan. Maaari rin na ang kahulugan ng paliligo mo sa iyong panaginip ay ang paglilinis o washing away ng difficult times. Kasama na rin dito ang pagtanggal sa iyong sarili ng old ideas, notions, opinions, at iba pang mga negatibong bagay. Ito’y nagsasabi rin ng ukol sa forgiveness at letting go.
Kapag nanaginip ng baha, ito ay may kaugnayan sa pag-release ng sexual desires. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa emotional issues at tension. Ang iyong nakuyom o sinariling damdamin ay may malaking epekto sa iyo na labis na nagdudulot sa iyo ng pagkabagabag. Bukod sa pag-ulan, alamin kung saan o paano pa nagkaroon ng baha, na sa estadong ikaw ay gising ay nagdudulot sa iyo ng stress at tension. Alternatively, maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo. Sa kabilang banda, posible rin namang nagpapakita ang panaginip mo ng hinggil sa spiritual change o reawakening.
Maaaring may kaugnayan ang panaginip mo sa pinagdadaanang problema sa kasalukuyan, kaya dapat kang maging matatag sa mga pagsubok at huwag mawawalan ng pananalig sa Diyos. Ngunit, posible rin naman na ang panaginip mo sa baha ay may kaugnayan sa mga nararanasang pagbaha ngayon dito sa ating bansa bunsod ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan. Madalas mo itong nararanasan ngayon at nag-manifest lang ito sa iyong bungang-tulog.
Señor H.