SI Pau Lee nga kaya ang pupuno sa puwestong binakante ni Larry Fonacier sa line-up ng Gilas Pilipinas para sa World Championsip sa susunod na buwan?
Maraming nagsasabi na bunga ng kanyang kabayanihan sa FIBA Asia Cup sa Wuhan China kamakailan ay malamang na si Lee na nga ang ilagay ni coach Vincent “Chot” Reyes sa puwesto n Fonacier. Maaalalang nagpasok ng tatlong free throws si Lee sa dulo ng laro kontra host China upang makamit ng Gilas Pilipinas ang ikatlong puwesto.
Nararapat lang marahil na gantimpalaan si Lee.
Pero si Lee mismo ang nagsabing hindi siya shoo-in para sa Gilas Pilipinas. Walang shoo-in.
Malalaman lang daw ang final line-up kapag nasa Spain na sila at ilang araw na lang ay mag-uumpisa ang torneo.
Kaya naman lahat ng mga nasa pool ay magsisikap nang husto.
Actually, lahat ng mga nasa pool ay isinama sa Estados Unidos para sa training. Lahat ng nasa pool ay isasama sa Europe training din. lahat sila ay tutulak sa Spain.
Ang mga himdi mapapabilang sa official line-up para sa World Cup ay magiging supporters ng koponan.
Sa totoo lang, kung puwesto ni Fonacier ang pag-uusapan, aba’y kayang-kaya itong punan ni Lee. mas bata si Lee at mas maraming magagawa.
Siguro mas deadly nga lang sa three-point area si Fonacier.
Pero mas malakas ang katawan n Lee. At puwede rin siyang emergency point guard ng Gilas Pilipinas.
Anuman ang mangyari, sino man ang pumalit kay Fonacier, masaya na si Lee sa pagiging miyembro ng pool ng Gilas Pilipinas.
Sabrina Pascua