Monday , May 13 2024

Sukat na sukat ni Dunoy

Sukat na sukat ng hineteng si Dunoy Raquel Jr. ang kanyang pagdadalang nagawa sa kabayong Love Na Love para sa distansiyang pinaglabanan sa naganap na “Hopeful Stakes Race” nitong nagdaang Sabado sa pista sa pista ng SLLP sa Carmona, Cavite.

Sa alisan ay nauna sila sa lundagan hanggang sa unang kurbada, subalit sa takot ng kanyang mga kalaban na baka makalayag sila ay agaran na nagsigalawan ang maagang nakabuntot kay Love Na Love. Sa pagkakataon na iyon ay bahagyang umawat si Dunoy sa ibabaw at ipinaubaya muna ang unahan kina Marinx, Great Care at Real Lady.

Pagdating ng medya milya ay nagsimula nang gumalaw si Dunoy sa kanyang dala at agaran namang nagresponde si Love Na Love, kaya muli siyang nakalapit sa tatlong nauuna.

Pagsungaw sa rektahan ay nagkapantayan sa harapan sina Marinx at Love Na Love, subalit sa ganda ng puwesto nina Dunoy at natitirang lakas ay nasungkit nila ang tampok na pakarera ng may kalahating katawang agwat laban kay Marinx ni Jesse Guce.

Naorasan ang nasabing laban ng 2:11.2 (25-24-26’-26’-28’) para sa mahabang distansiya na 2,000 meters. Sa panalong iyan ay binabati ko ang may-ari kay Love Na Love na si Ginoong Hermie Esguerra at Dunoy Raquel Jr.

Fred L. Magno

About hataw tabloid

Check Also

PATAFA Terry Capistrano John Cabang

Filipino sprinter John Cabang muling nagtakda ng PH record

IPINAKITA ng Filipino sprinter na si John Cabang na siya ay nangunguna sa tamang panahon …

Ubas nangangamoy Paris Olympic

GAYA ng inaasahan, nagpakitang gilas si Janry Ubas matapos makopo ang 10-15 Olympic qualifying points …

Unang ginto sa ICTSI PATAFA Open nasungkit ni Fil-Moroccan Yacine Guermali

Unang ginto sa ICTSI PATAFA Open nasungkit ni Fil-Moroccan Yacine Guermali

INANGKIN ni Fil-Moroccan Yacine Guermali ang pinakaunang gintong medalyang nakataya sa pagbubukas ng 2024 ICTSI …

Magayon Chess Bicol

Rakius Dental Care Chess Team A kampeon sa Magayon Chess Festival 2024 Tatluhan Team Tournament

MANILA — Pinagharian ng Rakius Dental Care Chess Team A ang Magayon Chess Festival 2024 …

Gilas Plipinas Erika Dy SBP

Gilas Plipinas abala sa paghahanda para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament

INILAHAD ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Erika Dy, abala sa pagsasanay sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *