Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paano mapipigil si Binay?

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakaiisip ng paraan ang kampo nina DILG Sec. Mar Roxas, Senador Allan Cayetano at Senador Bongbong Marcos kung paano nila malalampasan ang bango ni Vice President Jojo Binay sa tao.

Ito kasi ang pag-aanalisa ng political observers ng bansa lalo’t umangat pang lalo si Binay sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa noong huling linggo ng Marso.

Malinaw sa resulta ng SWS survey na sa kabila ng paninira sa Mar Roxas group o ng LP at ni Allan Cayetano ng NP, halatang gustong-gusto maging pangulo ng bansa na walang epekto ang mga demolition job na kanilang isinasagawa.

Kitang-kita sa +73 rating nito o may katapat na 82 percent satisfaction rating ang pagmamahal ng publiko na kulelat naman ang pambato ng LP at NP.

Halatang-halata rin na hindi na matitinag si Binay ng anomang paninirang ibabato sa kanya ng kanyang mga kalaban kahit pa nagsimula nang magpapogi si Allan Cayetano sa mga ads sa telebisyon na ginaya nga lang ang gimik ni Binay noong 2010.

Nag-iisip na rin ang tao sa ginagamit na pera ni Cayetano sa kanyang anunsiyo sa TV dahil kitang-kita naman na mayroon halong politika.

Gulangan ang laro sa politika kaya’t mukhang dito angat at eksperto ang pambato ng Taguig kaya’t dito dapat mapagmasid ang taumbayan.

Malayo pa ang 2016 kaya’t tiyak na marami pang lalabas na paninira kay Binay at iyan ang kaabang-abang dahil iyan ang inaantabayanan ng mamamayan.

***

Natutuwa bang talaga ang mga tao sa Ta-guig sa administrasyon ng mga Cayetano?

Ito ang dapat paka-isipin ng madlang pipol dahil posibleng ang nasabing anunsiyo ng pagpapapogi ng mag-asawang Allan at Lani Cayetano ay isang behikulo lamang para makakuha ng pag-angat sa rating ng politika.

Dapat magsalita ang mga taga-Taguig sa tunay nilang estado dahil kung papogi lamang ang gimik ni Mang Allan ay kawawa naman ang taumbayan na siyang magdurusa kapag naghalal muli ng palpak na pangulo.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …