CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpapatuloy ang inilunsad na pursuit operation ng militar at pulisya laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Buntungan, Impasug-ong, Bukidnon.
Ito’y makaraan tambangan ng mga rebelde ang convoy ni Impasug-ong town Mayor Mario Okinlay kahapon ng umaga.
Inihayag ni 4th Infantry Division spokesperson Maj Christian Uy, nagmula sa isang medical mission ang grupo ng biktima nang tambangan ng tatlong rebelde dahilan upang tamaan ang alkalde sa kanyang tiyan.
Agad nakaganti ng putok ang tropa ng militar na escort ng opisyal, kaya napaatras ang mga rebelde.
Isinugod sa ospital ang mayor ngunit binawian ng buhay.
(BETH JULIAN)