Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, napaakap kay Angel nang bigyan ng bubble wrap

070214 luis angel vilma family
ni Pilar Mateo

NAKATUTUWA naman ang isang kuwento ni Batangas Governor Vilma Santos sa kanyang mamanuganging mamanahing muli from her ang pagiging Darna na si Angel Locsin.

Nang magbalikan na raw ito at ang anak na si Luis (Manzano) at mag-dinner sa bahay nila, na agad niya raw itong niyakap, naaliw si Governor Vi sa pasalubong sa kanya ni Angel.

Ano raw kasi?

Bubble wrap! Kasi pala, ‘pag nagbibiyahe si Governor Vi, nagbibitbit daw siya nito. Gustong-gusto raw niya na pinuputok ito.

Therapy ba ‘yun for Gov. Vi?

Actually may mga iba pa kaming kilala na gustong-gusto na pinuputok ‘yun.

Isa pang nasambit lang daw ni Gov. Vi kay Angel eh, “You’re home!”

Kaya wala raw problema sa kanya kung isa sa mga araw na ito makatanggap na lang siya ng balita from Luis na magpapakasal na sila ni Angel.

“No problem. They’re mature enough to decide na for themselves. Excited na rin siyempre ako. Maging lola? Hindi! Momsie ang itatawag sa akin ng magiging apo ko and sana girl. Kasi, pinalibutan na ako ng boys. Puro barako na sila. Gusto ko naman ‘yung bibihisan ko.”

At papasok na sa politika si Luis?

“Hindi ko siya ine-encourage. It came from him. Hindi naman imposible. Everyday is a learning process sabi ko sa kanya. Hindi ka naman papasok lang doon para umupo. You will serve kaya kailangan mag-aral ka rin.”

Mahahalagang bagay sa Ina ng Batangas ang time management kaya nga raw naibabahagi niya ang oras niya simula sa pamilya hanggang sa mga anak niya sa kanyang bayan, ang good education at good health para sa kabataan and in making Batangas a safe place to live in na may peace and order!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …