Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carmela at Kambal Sirena, butata sa Ikaw Lamang

00 SHOWBIZ ms mKABI-KABILA na naman ang pa-presscon ng GMA7 para sa mga bago nilang show. Dahil sa hindi maganda ang ratings, napipilitan silang tapusin na iyon at palitan ng panibago sa pag-asang baka sakaling maka-arangkada.

Pero, sad to say, butata pa rin sila sa mga teleserye ng ABS-CBN. Tulad na lamang niyong dalawang show na itinapat nila sa master serye ng Dreamscape Entertainment ng Dos, ang Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Coco Martin. Dalawang beses nang pinatumba ng Ikaw Lamang ang mga show ng GMA na itinatapat nila rito tulad ng Carmela ni Marian Rivera.

Napag-alaman din namin na last week na ng Kambal Sirena na hindi man lamang nakalapit sa rating ng Ikaw Lamang. Paano naman kasi, halos doble ang lamang ng Ikaw Lamang sa rating ng mermaid show ng GMA.

After Kambal Sirena, may isang bagong show na naman ang itatapat sa Ikaw Lamang, tingnan natin kung ano ang magiging kapalaran ng show na ito.

Makaarangkada kaya ang GMA show sa lupit na istorya ng Ikaw Lamang na halos gabi-gabi ay may nagaganap na unexpected twists? Nariyan pa ang mga rebelasyong kagulat-gulat gayundin ang mga kahanga-hangang performance ng casts.

Kaya nga #1 primetime teleserye ang Ikaw Lamang dahil napakaganda nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …