Actress/TV host, nakakawalang-gana ang pasaway na ugali
[divider]
NAKASABAY namin ang isang actress-TV host sa isang plane mula Singapore hanggang Manila, connecting flight namin galing Europe. Hindi namin namukhaan kahit katabi na namin sa upuan. Tatlong beses na namin ito nainterbyu sa mga intimate presscon pero hindi talaga nagmamarka ang mukha niya sa amin.
Na-realize na lang namin na siya pala βyung actress nang may magpa-picture sa kanya habang kini-claim ang mga baggage.
Pero may kaartehan pala ang actress βTV host na ito sa plane. Sa totoo lang, naiinis kami sa kanya habang katabi naming siya. Itinataas pa niya ang mga paa niya habang nakaupo siya malapit sa window.
Bago pa lumipad ang eroplano ay sinaway na siya dahil bukas ang Ipad niya at naka-ear phone, parang imbiyerna pa siya.
Pasaway din siya kasi kahit bawal na buksan ang mga gadget habang nagla-landing binuksan pa rin niya ang Ipad. Sinabihan na nga siya ng stewardess na isara iyon.
Sinaway din ang bag niya na instead sa ilalim ng harapang upuanΒ niya ilagay ay sa ilalim mismo ng upuan niya inilagay.
Napansin din namin na hindi niya inubos ang pagkain niya sa plane. Sabi namin nagda-diet siguro ito. Ibinibigay na niya ang tray pero sabiΒ ng stewardess, sabay-sabay nilang kinukuha βyun laloβt oras pa lang ng pagdi-distribute ng pagkain. Sabi ko, parang papansin ang actress na ito.
Humingi siya ng apple pero hindi siya napagbigyan ng stewardess dahil wala silang stock at sa pangmahabang oras na biyahe lang sila mayroon niyon.
Artista nga siya pero hindi siya umaasta ng tama, huh!
Gusto namin siyang ipagDASAl na umayos siya dahil nabulaga talaga kami sa attitude niya.

