Tuesday , November 5 2024

Michael Ray Aquino hindi umubra kay Mike Kim!

KAHIT konting paggalang ay wala raw ang astig na Koreano na kinilalang si MIKE KIM sa pamo-song koronel na si Michael Ray Aquino na siya ngayong chief security officer ng SOLAIRE RESORT CASINO.

Kung may respeto ba si KIM kay Aquino, bakit tahasang panggagago ang ginagawa sa establisimentong pinamamahalaan ni Aquino ang seguridad.

Dahil daw sa dami ng kuwartang kinikita ng kupal na Koreano ay ‘alila’ lamang ang tingin kay Ex-colonel MICHAEL RAY AQUINO.

Base sa mga pagyayabang ng mga alipores na Pinoy niKIM, kayang-kaya raw busalan ng pera ng kanilang amo ang ‘bunganga’ ng ilang security ng Solaire?

‘Di ba Bossing Rey!?

Bukod sa pagta-transact ng iba’t ibang uri ng ilegal na aktibidad sa loob ng SOLAIRE, gaya ng malakihang pagpapautang sa kapwa Koreano (big time financing) ay nakapagpapalusot pa raw ng droga ang grupo.

Gaya ng isang Mardeep Narang alyas Singh na nasakote ng NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division-Anti-Illegal Drugs Unit (AOTCD-AIDU) matapos ang isang buy-bust operation sa loob ng Room 810 ng Solaire Hotel.

Si NARANG na iniulat na kasosyo ni KIM ay nahulihan ng 388 grams ng ‘damo’ sa loob mismo ng hotel na si Michael Ray Aquino ang hepe ng security force.

Personal din lumutang si KIM sa NBI para arborin ang kaibigang si Narang.

Mayabang at namedropper si KIM. Pati si DoJ Sec. Laila De Lima at NBI Director Virgilio Mendez ay walang takot banggitin at gamiting panakot sa mga ahente ng NBI.

FYI Colonel Michael Ray Aquino, isa si KIM sa mga kilabot na Koreano sa bansa na sangkot umano sa iba’t ibang krimen laban sa kanyang mga kababayan.

May report na kinikidnap at ipinatutubos ang kapwa Koreano kapag hindi nakababayad ng pagkakautang sa kanya.

Marami sa kanila ay nakararanas rin ng pambubugbog mula sa kanyang mga police bodyguards na kataka-takang naide-deploy ng PNP sa tarantadong si KIM.

Immigration Commisioner Fred Mison, ano bang VISA ang hawak ni KIM at malaya siyang nakapag-o-operate ng poker sa bansa natin?

BIR Comm. Kim Henares, hindi mo ba haha-bulin si KIM na nagkakamal ng malaking pera sa bansa natin pero hindi nagbabayad ng buwis?

May kasunod…ABANGAN!

AKSYON NI VP BINAY

AT NG IACAT-NBI

SA PROSTI DENS SA QC,

INAANTABAYANAN

Nagkaroon ng mumunting pag-asa ang mga residente ng Kyusi nang mabatid na may pla-nong aksyon ang Inter Agency Council Against Traffickng (IACAT) sa ilalim ng tanggapan ni VP Jojo Binay laban sa talamak na prostitusyong umiiral sa clubs, sauna parlors at iba pang establisimento sa lungsod ni Mayor Bistek Bautista.

ILAN sa target umano ng IACAT-NBI ang CLASSMATE na pag-aari ni POCA, BALAI LUNA CLUB, BARTOLINAat TAKUZA sa Cubao area, at IMPERIAL SAUNA Bath sa Quezon Avenue pero hindi magawa. Ganoon din ang kaso ng GEORGETOWN sa Mindanao Avenue, PARADISE sa Quirino Highway at SUPER STAR sa Commonwealth Avenue.

Matindi rin ang sex extra service na inio-offer ngKREMLIN na isang SPA at health center ang front.

Sa Quezon City pa rin, bukod sa prostitusyon, talamak din ang ilegal na sugal na lotteng at jueteng na kataka-takang hindi napapansin ng ating kaibigan na si General Richard ‘Ka Banong’ Albano.

Promotor ng mga kagaguhang ito sina PINONG, LITO MOTOR, VER BICOL, DON RAMON, REY REKTO at ang walang kakupas-kupas na si TONY FRANCISCO.

Ano na nga ba ang nangyayari sa ating idol na si General Albano?

Nabubukulan o nabubulunan sa intelihensiya?

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *