Thursday , June 4 2026

PBA maririnig na rin sa FM radio

SIMULA sa Hunyo 9 ay maririnig na sa FM radio ang PBA Governors Cup sa pamamagitan ng Radyo Singko 92.3 News FM na kapatid na himpilan ng radyo ng TV5 na brodkaster ng mga laro.

Ito’y kinompirma kahapon ng pinuno ng Sports5 na si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes.

“This is great news for PBA die-hard fans. They can listen to the LIVE broadcast of the games clearly on the radio. And you can use your cellphone to listen to the games. Overseas Filipinos can also listen to the broadcast via InterAksyon.com,” wika ni Reyes.

Ang unang larong maririnig sa Radyo Singko ay ang laban ng Air21 at San Mig Coffee sa Hunyo 9.

Maririnig din nang live sa DZSR Sports Radio 918 khz sa AM ng Philippine Broadcasting Service sa tulong ng Sports5 ang mga laro ng PBA kasama ang ilang mga himpilan ng Radyo ng Bayan sa buong kapuluan. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …