Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buburahin ba ni PNoy ang Estrada?

Mukhang uubusin ng administrasyon ni PNoy ang pamilya Estrada?

Sinimulan nila ang pagdidikdik kay Senador Jinggoy Estrada at kamakailan lamang ay pinatalsik ng Comelec si Laguna Gov. ER Ejercito.

Bukod pa rito may naka-pending rin na disqualifiaction case si Manila Mayor Erap Estrada sa Korte Suprema kaya’t marami ang nagtatanong kung may plano ba ang administras-yon na burahin na ang pangalang Estrada sa politika ng bansa.

Kapansin-pansin din kasi na medyo mainit ang gobyerno ngayon sa mga Estrada dahil marami naman political clans sa bansa ang may mga sabit din sa pamahalaan.

Kataka-takang sa Estrada lamang nakatutok ang mata ng Malakanyang kaya’t lubos ang paniniwala ng nakararami na isusunod nang talaga si Erap.

Nakabibilib naman ang mga Estrada dahil sa halip lumaban at magmatigas ay kusa silang bu-mababa sa pwesto upang iwasan ang anomang kaguluhan.

Puso ang umiiral sa mga Estrada kaya naman kahit ilang beses na silang tinatapak-tapakan ay tao pa rin ang nagbabangon sa kanila.

Marami ang nag-overspending noong elek-syon pero bakit si ER Ejercito ang kanilang inuna.

Sangkatutak na politiko ang namili ng boto at mas malaki pa ang ginastos kay ER pero bakit ang gobernador ng Laguna ang kanilang ginagawang sample.

Marami na tuloy ang nagtatanong kung totoo ba ang “tuwid na daan” ni PNoy dahil mukhang inaaplay lang ito sa kalabang partido ng gobyerno. Kakabilib na sana ang simula ng administrayong Aquino pero nitong bandang huli ay talaga namang sila pa ang nagsisilbing tagapagtanggol ng kanilang mga tiwaling tauhan sa Malakanyang.

Imbes paimbestigahan ang malalapit na tao ay inaabswelto nila agad kaya’t nagdududa na ang taumbayan. Tiyak na marami pang magaganap sa kalakarang politika ng bansa pero tiyak na isa lang ang target nito at iyan ay pabagsakin ang oposisyon.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …