Wednesday , November 6 2024

Sec. Mar Roxas galit sa Bingo Milyonaryo pero ‘go’ sa Jueteng at Lotteng?!

MAY double standard pala si DILG Sec. Mar Roxas pagdating sa sugal, maging legal man ito o illegal.

Ayaw ng Liberal Party (LP) President na si Roxas sa BINGO MILYONARYO ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil ginagawa lamang umano itong front ng ilegal na jueteng at Virtual 2 ng mga enterprising gambling lords.

Ito ang sumbong ni Roxas kay Pangulong PNoy kung kaya’t agad ipinag-utos ni Pangulong Aquino sa noo’y chairperson ng PCSO na si Margarita Juico na kapagdakang ipatigil ang operasyon ng BINGO MILYONARYO.

Nang hindi tuminag si Ms Juico sa direktang kautusan ni Pangulong Aquino, sinabon ni PNoy at kinastigo that eventually forced Ms. Juico to resigned from her post.

Pero ang hindi alam ng nakararaming Pilipino, may bahid politika ang galit ni Mar Roxas sa BINGO MILYONARYO ng PCSO.

Ang prangkisa kasi ng BINGO MILYONARYO ng PCSO ay nakuha ng kompanyang COMNET na identified sa 2nd cousin ni President Aquino na si Tonyboy Cojuangco na kilalang ally ni Vice President  Jejomar Binay.

Isa si Tonyboy Cojuangco sa biggest campaign fund contributor ni PNoy noong 2010 pre-sidential elections.

P100-M ang total na naipagkaloob ni Tonyboy sa campaign coffer ni Aquino at ng LP.

Dito takot na takot si Mar Roxas dahil sa maruming kaisipan nito, magmumula sa operas-yon ng BINGO MILYONARYO ang bulto ng pondong ilalaan para sa campaign fund ng karnal na kalaban ni Mar Roxas na si VP Binay.

Kilalang allies ni Binay ang mga Cojuangcos (Tony boy at Peping) dahil na rin sa tagal ng pagkakaibigan ng dalawang pamilya.

Kung ganitong concern si Mar Roxas sa mismong legal na sugal na pinatatakbo ng PCSO, bakit sa ilalim ng kanyang liderato bilang Kalihim ng DILG at Boss ng Philippine National Police (PNP) ay malayang nakakaalagwa ang jueteng, lotteng at iba pang uri ng iligal na sugal?

Bakit ang mga gambling lord katulad nina BONG PINEDA, RENE IMPERIAL, TONY ‘BOLOK” SANTOS, LITO MOTOR, VER BICOL, PINONG, BOY ABANG SIMBULAN, GINA GUTIERREZ, DON RAMON, VICEO, TONY FRANCISCO, EDWIN OLAZO, LUDING BONGALING, EDY KABAYO GONZALES, JOY JUETENG, TOTO LACSON, PAKNOY PULIS, EDNA/ENTENG, SABILE at  TITA DINGLASAN ay nakakapamayagpag ang 1602 hindi lamang sa ilang malalaking lalawigan ng bansa kundi mismong sa Metro Manila na ‘seat of power’ ng pamahalaan.

Hindi puwedeng sabihin ni Mar Roxas bilang excuse na mandato ng kapulisan ang paghuli sa illegal gambling dahil direktang nasa ilalim ng kanyang control and supervision ang pambansang kapulisan.

Hindi puwedeng makapamayagpag ang ilegal na sugal kapag ayaw ni DILG Secretary Mar Roxas!

‘Yan ang malinaw pa sa sikat ng araw na katotohanan.

Walang magagawa si PNP Chief, Alan Purisima kundi ipatupad ang kautusan ng DILG Secretary. ‘Yan nga ay kung walang direktang basbas ang mga bigtime gambling lords na ito mula kay Sec. Roxas.

Ang kaso nga, hindi kaya sina BONG PINEDA, BOLOK SANTOS and company ay campaign fund contributors niya from the start?

Hindi lamang si Roxas ang nakasandal umano sa mga gambling lords na ito kundi ang marami sa mga miyembro kung hindi man lahat ng mga kasapi ng Liberal Party.

Itanong pa natin kay Pampanga Governor Lilia ‘Nanay Baby’ Pineda.

Open secret po ang pagtanggapan ng pera bilang campaign contributions ng mga politikong tumatakbo sa eleksyon mula sa mga jueteng lords, gambling lords and sad to say even  from DRUG LORDS.

At hindi po exempted diyan ang ruling party ng Liberal na nagyayabang na sila ay nasa MATUWID NA DAAN.

Ikinanta na rin po ng tinaguriang PDAF mastermind na si Janet Lim Napoles ang ilan sa mga bigating politiko na napagkalooban niya ng pera bilang campaign fund contributions.

Lalo na pong grabe pagdating sa 1602 o illegal gambling at iyan ang dahilan kung bakit talamak pa rin ang ilegal na sugal saan mang lumalop dito sa Pinas.

Ngayon mahal naming Pangulong Noynoy Aquino, sabihin ninyong mga santo ang nakapaligid sa inyo diyan sa Malacañang tuwing kayo ay nagdaraos ng cabinet meeting?

It’s either patuloy kayong napaiikutan ng mga tarantadong tao diyan or hostage kayo ng mismong mga kaanib n’yo sa Partido Liberal kaya wala kayong magawa?

Again, nagtatanong lamang po!

Sa sugal pa lamang po tayo mga kabayan ha?

Wala pa ‘yung ibang masalimuot na transaksyon sa pamahalaan!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air “Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *