Saturday , November 23 2024

Phl Memory athletes kontra Mongolians

NAGLALAWAY na ang mga memory athletes ng Pilipinas sa mga dayuhang dadating para makipagtirisan ng isip sa magaganap na 1st AVESCO-Philippine International Open Memory Championship.

Inaabangan ng mga Pinoy memory athletes ang paglusob ng mga bigating kalaban para makipagtaktakan ng memorya sa event na inorganisa ng Philippine Mind Sports Association, Inc. na gaganapin sa Eurotel Hotel North EDSA, Quezon City mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1.

Ang mga foreign athletes na nagsaad ng pagsali ay sina Grandmaster of Memory (GMM) Yudi Lesmana at Fakhri Shafly Erlangga ng Indonesia; Omkar Kibe ng India; Ryan Dongwoo Kim ng Korea; at GMM Tsogbadrakh Saikhanbayar, Enkhmunkh Erdenebatkhaan at Enkhjin Tumur ng Mongolia.

Sabi ni Roberto Racasa, coach ng Philippine Memory Team na pumang-apat sa 2013 World Memory Championship na ginanap sa London noong Disyembre, mapapalaban ang mga Pinoy sa mga Mongolians na nag-third place sa World Memory Championship.”

Babanderahan ni GMM Mark Anthony Castaneda ang kampanya ng mga Pinoy sa nasabing tornament.

Si Castañeda ay umabot sa semifinal round ng Extreme Memory Tournament sa San Diego, California kung saan 16 lamang sa mga pinakamahuhusay na memory athletes sa mundo ang naimbitahang lumahok.

Inimbitahan ding sumali sa San Diego ang dalawa pang GMM ng bansa na sina Erwin Balines at Johann Abrina ngunit nabigo silang umusad sa ikalawang round.

May 10 memory sports disciplines ang paglalabanan sa naturang event ito’y ang Binary Numbers, Names and Faces, Random Numbers, Abstract Images, Historic and Future Dates, Playing Cards, Speed Numbers, Random Words, Spoken Numbers at Speed Cards.

Ang 1st AVESCO-Philippine International Open ay may basbas ng World Memory Sports Council ay itinataguyod din ng Eurotel, Center For Global Best Practices, Hotel Sogo, Writech Enterprises, Merit Lyra at Piknik. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *