Thursday , June 4 2026

BoC North Harbor, bantayan mabuti

MANILA North Harbor is one port being used as conduit for smuggling.

Dito dumaraong ang ilang kontrabando mula sa iba’t ibang pantalan sa Visayas at Mindanao na declared as local shipment to avoid detection from Customs authorities.

Maraming pier ang North Harbor na puwedeng magamit ng mga smugglers lalo na kung may ‘timbre’ o sabwatan sa ilang Customs ‘tongpats’ agent.

Dito dumaraan for delivery and distribution ang mga kontrabando sa Metro Manila at vice versa na sigurado tayo na hindi naman nakalulusot sa mga tulisan at bukolero d’yan sa Customs North Harbor.

BoC Commissioner Sunny Sevilla, napaimbestigahan na ba n’yo ang report na may dumating na 15 units na MULTI-CAB sa 2GO galing Cebu? May certificate of payment ba na naipakita sa Customs bago ito ini-release?

Pakibusisi na rin ang lumusot na dalawang 20 footer van STC metal scrap pero ayon sa ating source ito raw ay naglalaman ng OIL (paihi) galing sa General Santos City.

I’m calling the attention of BoC for Enforcement and Intelligence Unit to double check and investigate this unreported smuggling at North Harbor.

Congrats pala kay BoC DepComm. JESSIE DELLOSA, makaraang maipa-entrap n’ya ang isang retiring CIIS agent nitong Mayo 23 at agad niyang pinasampahan ng kaso.

Kasunod ang paglipat sa subport collector ng North Harbor sa Zamboanga Port of Jolo.

Siguro naman matitigil na ang mga anomalya sa pantalan na ito.

Ricky “Tisoy” Carvajal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …