Aries (April 18-May 13) Magiging maganda ang iyong mood at positibo ang pananaw sa buhay.
Taurus (May 13-June 21) Kailangan na maging aktibo ang iyong lifestyle ngayon.
Gemini (June 21-July 20) Huwag magduda sa iyong sarili – gawin ang iyong makakaya sa lahat ng bagay.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring mas naisin mong makasama ang mga hayop kaysa makipagkwentuhan sa mga tao.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Mainam ang araw ngayon para sa aktibong public life, pagbiyahe at pagharap sa mga bisita.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang inter-aksyon sa mga miyembro ng pamilya ay posibleng magdulot ng hindi pagkakasundo.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong pag-aksyon ay bunsod ng iyong pagkauhaw sa kaalaman at pagnanais na may makilalang bagong mga tao.
Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring manatili ka sa iyong sariling mundo at maglalagay ng harang para hindi makapasok ang iba.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Magiging natural ang iyong asal at mananatiling totoo sa iyong sarili ano man ang mangyari.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Huwag mananatiling nag-iisa, buksan ang sarili sa iba pang mga oportunidad
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang araw ngayon ay nangangako ng bagong mga oportunidad at karanasan.
Pisces (March 11-April 18) Huwag pipigilan ang sarili sa pangangarap ng bagay na maaaring imposible sa ngayon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mahihirapan na makita ang tunay na kulay ng isang tao kung agad siyang paniniwalaan.
Lady Dee