Wednesday , April 24 2024

Binayaran ng dolyar sa dream

Dear Señor H,

S pngnp q po bnyran aq ng bu0ng 100, 300 at 400 d0llar pero cart0ons ang muka s pera hawg ni mickey mouse. Kpalt n pnanahmk q dhl s nkta q n my pnty xang tao. Anu po ibg sbhn nun sen0r? jineil, 24 wait q po s hataw ang sag0t nyo tnx po. (09361872022)

To Jineil,

Ang pera sa panaginip ay nagpapahiwatig ng ukol sa confidence, self-worth, success, o values. Ikaw ay may lubos na tiwala sa iyong sarili. Alternatively, ang ganitong bungang-tulog din ay may kaugnayan hinggil sa pananaw ukol sa love and matters of the heart. Ito ay maaaring nagpapakita rin ng mga nakalagpas, hindi napansin, o nawalang pagkakataon o suwerte na dumating sa iyo. Kapag nakakita ng pera sa panaginip, maaaring ang kahulugan din nito’y ang tagumpay at kaunlaran ay halos abot kamay na. Dapat lang na ipagpatuloy ang pagsisikap at ang mga positibong bagay na ginagawa.

Ang cartoons ay nagsasaad bilang isang paraan ng pagtakas sa reyalidad, maaaring bunsod ito ng stress. Posibleng dahil gusto mo rin na gawing light ang sitwasyon at magkaroon ng kaunting fun. Maaaring nagsasabi o nagpapa-alala rin ito na dapat matutong tawanan ang sarili at ang ilang mga pagkakamaling nagawa.

Kapag nanaginip na nakakita ng patayan, ito ay nagsasabi ng matinding galit sa isang tao. Maaari kang makakuha ng clue sa iba pang rason ng panaginip mo, base sa napanaginipan mo sa taong pinatay o sa paraan ng pagpatay sa kanya.

Kapag naman sinusuhulan ka sa panaginip, nagsa-sabi ito na madali kang maimpluwensiyahan ng ibang tao o may pagsubok na dara-ting sa iyo o may bumabagabag sa iyong isipan at konsiyensiya. Maaaring dahil sa hinahayaan mo ang iba na gawin ang gusto nila sa iyo, kahit labag ito sa kagustuhan mo talaga. Dapat na matutong manindigan at magkaroon ng lakas ng loob para sa sarili.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *