NAKUNAN ng CCTV ang dramatic moment nang masalo ng isang dumaang lalaki ang nahulog na sanggol mula sa ikalawang palapag ng gusali sa China.
Ang isang taon gulang na sanggol ay nakalabas ng bintana habang bumabagyo at nahulog mula sa gusali sa Guangdong Province.
Napanood sa mga camera ang tinaguriang bayani na si Mr. Li na nakabukas ang mga braso habang nahuhulog ang sanggol.
Mabilis siyang tumakbo at nasalo ang paslit sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.
Ayon kay Mr. Li: “I didn’t think too much at the time.
“I was just afraid of failing to catch him. Some people put down cardboard to avoid serious injuries to the baby if I failed to catch him.” (ORANGE QUIRKY NEWS)