MAGULO ang takbo ng mga pangyayari sa ngayon nag-uumpugan ang magkakalabang grupo para sa nalalapit na 2016 presidential elections na pawang malalapit sa Pangulong Benigno Aquino III.
Kasama sa gulong ito ang ilang line agencies ng gobyerno na nagpapatakbo ng mga legal na sugal gaya ng PCSO at PAGCOR.
Bukod sa mga legal na sugal na pinatatakbo ng dalawang ahensiyang ating tinuran, andiyan din ang presensiya ng ilegal na STL/jueteng at masiao na pinagmumulan ng matinding korupsi-yon sa lokal at nasyonal na pamahalaan kabilang na ang pulisya at iba pang law enforcement units.
Nangangalampag na naman ang whistle-blowers na tulad nina Archbishop Emeritus Oscar Cruz at Sandra Cam na nagsasabing magmumula sa sugal na jueteng ang bulto ng perang gagamitin sa nalalapit na halalan.
Nasa magkasalungat na panig sina Interior Secretary Mar Roxas at former PLDT Big Boss at presidential cousin Tonyboy Cojuangco na isa sa biggest campaign contibutor ni Pangulong Noynoy Aquino noong 2010 presidential elections.
P100 million po FYI ang ipinagkaloob ng second cousin ni PNoy sa coffers ng campaign fund ng nanalong pangulo.
Anti-Bingo Milyonaryo si Mar Roxas samantala closely associated naman si Tony Boy sa kompanyang Comnet Management Corporation na pinamamahalaan ng mga former top PLDT executives na dati ngang pag-aari ni Tonyboy na nakakuha ng prangkisa para sa BINGO MIL-YONARYO mula sa PCSO.
Kahalintulad ng STL ang BINGO MILYONARYO na nagsasagawa ng pagbola tatlong beses isang araw. Ang mechanics ng laro ay maikukumpara rin sa operasyon ng ilegal na jueteng.
Tutol dito si Mar Roxas dahil naniniwala siya na sinaTonyboy Cojuangco at ang tiyuhin na si Peping Cojuangco ay kapanalig at long time allies ni Vice President Jojo Binay na makakalaban naman ni Roxas sa presidential bid sa 2016.
Nagsumbong kapagdaka si Roxas, pa-ngulo ng Partidong Liberal na kinabibilangan ni PNoy at sinabing kailangan ito (Bingo Milyonaryo) ipatigil para sa kapakanan ng partido dahil nga sa gagamiting ‘front’ lamang ang Bingo Milyonaryo ng mga bigtime gambling lords na susuporta umano kay Binay.
Ito rin umano ang naging dahilan upang mapilitang mag-resign sa PCSO ang chairwo-man nito na si Margarita Juico makaraang kastiguhin at pagalitan ni Pangulong Aquino nang hindi ipatigil ang operasyon ng Bingo Milyonaryo.
Ang tindi ng ‘tulakan’ ngayon sa mga kamag-anak ni PNoy at ng mga miyembro ng Li-beral Party.
Headed sa isang head-on collition ang dalawa sa matitinding paksyon sa Aquino administration … at ang pinag-aawayan ay ang pe-rang mula sa jueteng na nagkukubli sa legal na operation ng STL at Bingo Milyonaryo.
‘Yan ba ang matuwid na daang ipinagmamalaki ni Pangulong Aquino?
At habang abala sa isyu ni Janet Napoles at ng PDAF scam ang sambayanan, kanya-kanyang maniobra ang mga ‘player’ ng Malacañang para sa hinahabol na limpak-limpak na campaign funds na magmumula sa jueteng.
Ang gagaling ninyo mga buwisit kayo! Wala kayong kadala-dala.
BIGTIME NIGHT CLUBS CUM PUTAHAN
Sa Pasay EDSA Entertainment Complex, ang SAMBA, SHARAZAD, BULLET, ARROW at CASINO BAR na karamihan ay pag-aari ng Austrailian national na si VINCE LUMBARDO. Nasa Pasay din ang RICHMAN CLUB, VOLCANO at WILD RIVER .
Nasa kahabaan naman ng Roxas Blvd. ang D C’ZAR Club na pag-aari ng isang alyas PABLO na anak ng isang Chinese tycoon na dating Pangulo ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce diyan sa Binondo.
Nasa Roxas Blvd. pa rin ang BACHELOR’S CLUB, isang one-stop club cum putahan na may sauna, KTV bar at night club.
Sa Quezon City Mr. Vice President Binay, sina alyasPERRY M,TEDDY SAPITULA, BIG DADDY at TADO PALMA ang utak at protektor ng mga establisyementong tagapagtagu-yod ng kalaswaan at pagpuputa sa siyudad ni Mayor BISTEK BAUTISTA.
Naririyan ang CLASSMATE, KREMLIN, isang “spakol,” METALICA at MARINARA at Imperial Sauna Bath na pawang nasa Quezon Avenue.
Nasa Cubao area naman ang IDOL, BARTOLINA at TAKUSA.
PARADISE sa Qurino Highway , SUPERSTAR sa Commonwealth Avenue at Georgetown sa Mindanao Avenue .
Bukod sa pagkaladkad sa pangalan ni Ma-yor Bistek Bautista, ipinagmamalaki rin ka-sosyo ng tarantadong club manager na si BONG BUGAW ng BALAI LUNA CLUB sina ES Paquito Ochoa at isang alyas General Ulo.
Sa halip na susi ay isang kapirasong papel na may nakasulat na room number ng Sir William’s Appartelle sa taas ng club ang ibibigay sa kanilang costumer at ready to fight na ang babaeng nakursunadahan.
Gen. Richard Albano,totoo ba na malakas magparating iyang Balai Luna club sa QCPD?
May kasunod … ABANGAN!
Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 pm. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]
Rex Cayanong