ni Reggee Bonoan
TUMITINDI na ang away-magkapatid ng mga karakter ng Kapamilya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo sa kanilang Wansapanataym special na pinamagatang My Guardian Angel.Dahil sa ibinibigay na atensiyon ni Mommy Carol (Mylene Dizon) kay Kiko (Raikko), tumitindi ang inggit ni Ylia (Andrea) sa kanyang guardian angel na ngayon ay bagong miyembro ng kanyang pamilya.
Ano ang gagawin ni Ylia para siraan si Kiko sa kanyang mga magulang?
Mawawala na ba ang pagseselos niya kay Kiko sa oras na malaman niya ang tunay na pagkatao nito?
Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long special nina Andrea at Raikko sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, Wansapanataym.