Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asi Best Player of The Conference sana

SURE shot  si Paul Asi Taulava bilang Best Player of the Conference kung pumasok sa Finals ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup ang Air21.

Kaso mo’y dadaan siya sa butas ng karayom para talunin ang mga tulad nina Jayson Castro at Ranidel de Ocampo para sa karangalang nakataya sa katapusan ng isang  torneo.

Malaki ang bentahe nina Castro at de Ocampo dahil sa winalis ng Talk N Text ang mga laro nito hanggang sa semifinals upang makarating sa best-of-five championship series kontra San Mig Coffee. Sa Finals na nga lang nakatikim ng kabiguan ang Tropang Texters.

Ang Best Player of  the Conference ay pinipili hanggang sa katapusan ng semifinals. Hindi na kasali sa deliberations ang finals.

Kasi may separate na award na nakalaan diyan. May Most Valuable Player of the finals award na ipinamimigay ang PBA Press Corps.

Isang panalo lang talaga ang kailangan ng Air 21 at sigurado na sanang Best Player of the Conference si Taulava.

Kasi, sa kabila ng pagiging 41 year old veteran niya at pinakamatandang manlalaro ng liga, aba’y parang kalabaw ang inilaro ni Taulava. Nag-average siya ng double-double.

E yun ngang mga ibang manlalaro na sampung taong mas bata sa kanya ay hindi nagagawa ang kanyang ginagawa, e.

Tuloy, marami ang nagtatanong kung  saan hinuhugot ni Taulava ang kanyang lakas.

Well, hindi man magwagi bilang Best Player of the Conference si Taulava, at least ay napatunayan niya na puwede pa nga siyang maglaro. At hindi basta-bastang paglalaro ha. Siya ang main man ng kanyang team.

Kung maipagpapatuloy ni Taulava ang performance na ito, baka mabuhat niya ang Express hanggang sa Finals ng susunod na Governors Cup.

Sakaling mangyari iyon, wala nang duda kung sino ang magiging Best  Player of the Conference!

O Most Valuable Player of the Season?

Puwede!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …