ni Reggee Bonoan
DAHIL hindi swak ang schedule nina Direk Wenn Deramas at Judy Ann Santos ay hindi na magagawa ng aktres ang movie project na Maria Leonora Teresa.
May nilalagareng dalawang pelikula si direk Wenn na nakatakdang ipalabas bago mag-Disyembre at may dalawa naman siyang gagawin na pang-Metro Manila Film Festival, ang The Moron 5 part 2 at ang Vice Ganda, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla project.
Wala raw maibigay na sked si Juday kaya walang choice si direk Wenn kundi magpalit ng artista.
“Yes, hindi kasi mag-swak ang sked, hindi niya pa rin mauumpisahan at may mga ginagawa rin.
“Eh, hindi ko rin mahihintay since after ng dalawang movies may dalawa pa ako ulit (gagawin),” katwiran sa amin ni direk Wenn.
Ang mga gaganap sa Maria Leonora Teresa na ay, “sina Iza (Calzado), Zanjoe (Marudo), at Jodi (Sta. Maria) na.”