Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apat na district bagman ng PNP-NCRPO (Attn: Gen. Carmelo Valmoria)

00 Bulabugin JSY
KAYA marami ang hindi BILIB sa ONE STRIKE POLICY ng Philippine National Police (PNP), kasi namamayagpag pa rin ang mga kolek-TONG ng mga nagpapakilalang BAGMAN.

Ang mga BAGMAN na tinutukoy natin ay napakahuhusay pagdating sa pagkapa ng mga ilegalista dahil d’yan nila kinakaladkad ang pangalan ng kung sino-sinong hepe ng pulisya maging mga heneral.

‘Eto po ang magagaling UMEPAL ngayon na BAGMAN sa PNP-NCRPO Bicutan.

Isang alyas JO-DYO KRUS ang nagpapakilalang bagman para sa Northern Police District (NPD); isang alias NOEL ‘D CASH-TRO naman sa Manila Police District (MPD); isang alyas PAL-WARTS sa Quezon City Police District (QCPD); alyas ED MATI-NIK sa Eastern Police District (EPD); at isang MIGEL IRIN-KO naman sa Southern Police District (SPD).

Kaladkad ng anim na ‘yan ang NCRPO R-6 at CDS na umano ay pinaghahatagan nila ng kanilang mga kolek-TONG.

O ‘yan? Meron bang one strike policy d’yan?

PNP NCRPO chief, C/Supt. CARMELO VALMORIA, Sir, alam mo ba na hindi naman natutupad ‘yang sinasabi nilang one strike policy?!

Mukhang bukol-bukol ka na Gen. Valmoria, Sir!

Babala sa mga motorista at commuters
MAG-INGAT SA TRAMO ST., AT ANDREWS AVE., PASAY CITY

KUNG kayo po ay regular na dumaraan sa ruta na madaraanan ninyo ang  TRAMO St., at Andrews Avenue, ‘e mag-ingat po kayo lalo na sa gabi.

Kapag kayo po ay napahinto sa lugar (sa traffic) na ‘yan huwag na huwag po kayong magbubukas ng bintana dahil mayroon biglang lalapit sa inyong mga aakalain ninyong manghihingi lang ng limos pero kakalawitin na ang kwintas ninyo o kaya aagawin ang cellphone/iPhone.

Masyadong malakas ang loob ng mga mangangalawit kasi madilim sa nasabing area. Madali silang nakapagtatago sa gilid-gilid kaya magugulat na lang kayo na bigla na lang may sumusulpot.

Pasay PNP Chief S/Supt. FLORENCIO ORTILLA Sir, pasyal-pasyal ka naman sa area na ‘yan kapag may time.

Huwag naman laging sa Resorts World o sa New Port lang …

‘Di ba Kernel Ortilla?

TATLONG ITLOG NA  PANGKALAHATANG KOLEK-TONG NG MANILA TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT (MTEU)

NAMAMAYAGPAG rin ang kotong gang sa hanay ng pulisya sa MPD-MTEU na pinamumunuan ni Major Olive Sagasa ‘este mali’ Sagaysay na kumokolektong  nang hindi bababa sa P100K kada Linggo mula sa mga illegal terminal ng jeep, UV express at kolorum.

Sabi nga ng mga pulis sa MPD HQ, kung malungkot daw sila ngayon dahil negative ang TARA ‘y TANGGA mula sa illegal gambling, ‘e ang mga taga-MPD MTEU tuloy ang ligaya sa kolektong!?

FYI Major Sagaysay, isang alyas TATA BART KUPAS ‘este’ TUPAS ang nagpapakilalang enkargado/little commander at bagman ng MTEU.

Ang mga kotong cops naman ni bagman Tata Bart ay sina alias PO2 EBANG-LISTA, PO3 LESS-TER at PO3 MI-KAY.

Aba, malakihan rin pala ang intelihensiya na nakokolektong ng tatlong itlog sa mga illegal terminal ng mga jeep sa J.LUNA, DIVISORIA-SOUTH BUENDIA, BLUM-NOVA, TAYUMAN-PRITIL (Tayuman Avenida), Divi-Sangandaan, Divi-MCU/Malanday.

Hindi pa kasama riyan ang kolektong sa mga KOLORUM na UV EXPRESS na biyaheng DIVI-BUENDIA na may illegal terminal din sa J. Luna Divisoria na katabi pa mismo ng MPD PS-11 J.LUNA PCP ni Maj. Cauatan ‘este’ Cabauatan.

S’yempre mas malaki ang TONGPATS depende sa dami ng mga kolorum na PUJ o UV EXPRESS sa bawat illegal terminal. Kaya hindi nakapagtataka na  sandamakmak na naman ang kolorum na mga jeep na City Hall-DIVI at Divi-Sangandaan dahil naghahatag sila ng tara sa MTEU.

Idagdag pa riyan ang TARA mula sa mga illegal terminal ng makukulit na tricycle sa Blumentritt-Cavite  St.. na ang butaw ay P30 araw-araw. Sa dami naman ng mga pasaway na ‘yan e limpak-limpak na kuwarta pa rin ang nakokolektong d’yan.

MPD DD Gen. Rolando Asuncion, hindi na po ako magtataka kung umaabot nga sa 100k kada linggo ang kolektong ng tatlong (3) itlog ng MTEU.

By the way, iba pa raw ang koleksyon sa centralized na truck escort service sa oras ng truck ban na P2K naman ang hatag.

Tsalap-tsalap naman diyan sa MTEU!!!

Major Olive Sagaysay, may alam ka ba sa kolektong ng mga ‘bata’ mo diyan sa MTEU o nabubukulan ka na nila?

Nagtatanong lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …