Thursday , June 4 2026

Ogie, nawirduhan nang malamang may BF na ang 16 year old na anak

ni  Roldan Castro

NAKAUSAP namin si Ogie Alcasid sa taping ng primetime romantic comedy series ng TV5 naConfessions of a Torpe. Extended ang serye kaya happy ang buong cast at staff nito.

Paano nama-manage ni Ogie ang oras niya at atensiyon na nakapupunta siya ng Australia (sa mga anak niya kay Michelle Van Eimeren) tapos segue pa sa birthday ni Regine Velasquez. Kumbaga, nabibigyan niya ng panahon ang dalawang pamilya niya sa kabila ng trabaho sa TV5.

“Kasalanan mo ‘yan, ang dami mong anak, eh! Gampanan mo ‘yan,” tumatawang sagot ni Ogie.

“Anong klase kang ama, ‘di ba? Ano, iba-block off mo talaga. Sasabihin mo talaga aalis ka ng ganito. Pagod talaga. Mukha na akong eroplano but you know…‘yung kapalit naman niyon, nakikita mo ang pamilya mo, nakikita mo ‘yung mga anak mo na lumalaki. Mawala na itong lahat, ‘wag lang ang pamilya, ‘di ba?” reaksiyon niya.

May bofriend na ba ang panganay niya?

“Si Leila? Oo mayroon na,” pagtatapat niya.

Ano ang feeling na may boyfriend na ang anak niyang 16 years old?

“Weird. Siyempre noong una weird. Parang hindi ko sila matingnan. Pero mabait naman. Australian-Canadian siya. Mabait, eh, makuwento tapos tawang-tawa sa akin,” aniya.

Cool lang siya sa sitwas-yon?

“Wala, eh, sila naman (Michelle at husband niyang si Mark Murrow) hands on naman silang parents, eh. Siyempre, may mga limitasyon din sa pagbo-boyfriend. Pag-aaral din talaga.

“Alangan namang pigilan mo, eh, ‘di magtatago naman ‘yun,” aniya pa.

Wala naman daw plano ang mga anak niya kay Michelle na mag-stay sa Pilipinas at pasukin ang showbiz. Si Leila ay magka-college na next year kaya malamang ay sa Sydney daw ito. Hindi naman daw marunong mag-Tagalog, hindi raw kagaya niyong isa.

Si Nate (anak ni Regine), nakikita ba niyang mag-aartista ito?

“Lahat…doon napunta. Ang kulit-kulit. Magti-three na siya,” bulalas pa ni Ogie.

Wala ba silang plano ni Regine na sundan ito?

“Puro plano. Eh, wala  pa, eh! Lahat na lang ng powers ko, ginamit ko. Wala. Ayos na rin ’yun,” saad pa niya.

Kumusta naman ang Confessions of A Torpe?

“Maganda, maayos. Double extended, masaya. Alam ko hanggang end of June na, dapat ‘til end of May.”

So, ano pa ang pasabog ng comedy-serye nila sa extension na ‘yan?

“Well, sa ngayon ay masaya. Close na kami ni Alice (Dixson). Eh, nare-realize ko parang may gusto na pala ako kay Gelli (De Belen) so, torn ako, ganoon. In the meantime, si Alice nagkakagusto na talaga sa akin. Si Wendell (Ramos)naman, liligawan niya si Gelli kasi gaganda na siya. Cute naman siya,” kuwento pa ni Ogie.

“Sabi ko nga, kaya siguro nag-work ‘yung serye kasi si  Tupe (Ogie ) ay ordinaryong tao, ‘di ba? Hindi naman siya kapogihan. Hindi naman siya hunk, so, nakaka-identify ‘yung ordinaryong  tao sa kanya. Hindi siya mahirap abutin, ‘di ba?” dagdag pa ni Ogie.

Ano ang next project niya after ng Torpe?

“Marami silang ini-offer na stories pero ultimately ‘yung management ang magde- decide niyan, eh! Baka puwedeng magpahinga muna ako kahit two months, ‘di ba? Malasap ko naman…,” saad pa niya.

Ano na ang nangyari sa serye niyang The Gift?

“Hindi ko alam. Igi-gift na lang yata, hindi ko alam, kasi, drama ‘yun, eh, comedy na  tayo rito (TV5), eh! Dalawang linggo na ‘yung na-tape ko roon, baka i-gift wrap, ewan ko,” sey niya sabay tawanan.

“Baka, puwede pa nilang gawin na maging lighter. I don’t know,” bulalas pa ng comedy actor-singer-composer.

Mapapanood ang Confessions Of A Torpe mula Lunes hanggang Biyernes, 7:30 p.m. sa TV5.

Boompaness!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …