Thursday , June 4 2026

De Lima, umani ng paghanga dahil sa pagtutok sa kaso nina Vhong at Bong

ni  Ronnie Carrasco III

IT wasn’t until Mr. Tony Calvento—in a recent interview—mentioned na kailangang umuwi to her native Bicol province si DOJ Secretary Leila de Lima noong Holy Week.

Sa wakas, nasagot ang personal naming tanong kung saan nga bang lalawigan nagmula ang nirerespeto naming Kalihim.

Our admiration goes out to de Lima, hindi lang dahil sa kanyang fashion statement na laging may balabal o shawl everytime she faces the media.  Moreso, ang kanyang legal stance reinforced by her unflawed command of the English language ang umani ng paghanga mula sa inyong lingkod.

Initially, inakala naming isang Ilongga si de Lima batay sa kanyang accent. Salamat sa napasadahan naming panayam kay Sir Tony, finally, our question has found its answer.

As we all know, dalawang mabibigat na celebrated, high-profile cases ang tinututukan ni de Lima sa kasalukuyan:  ang Vhong Navarro case at ang pork barrel scam.

Kung tutuusin, in comparison ay maning-mani lang ang kasong isinampa ni Vhong laban sa mga personalidad tulad nina Deniece Cornejo, Cedric Lee at iba pa as this is NOT a national concern.

Pero kung bakit sinusubaybayan ito ng Kalihim as she equally does sa usaping pandarambong ng ilang mambabatas ay isang kapuri-puring bagay that we—bilang mga Filipinong naniniwalang may hustisya pa rin sa ating bansa—should be proud of.

Kesehodang si Bong o si Vhong man ang sangkot, de Lima has gained an overwhelming public trust.

At dahil diyan, nais isigaw ng buong sambayanan bilang suporta sa DOJ Secretary na, “Give me ‘lima’…este, five!”

Vhong, ‘di dapat magpaka-kampante sa paglaban kay Lee

HINDI kami abogado, pero tila may gray area sa itinakdang pagdinig sa May 6 kaugnay ng petition to bail na inihain ng kampo nina Cedric Lee at Zimmer Raz. Katwiran nito, mahina raw ang ebidensiyang nagdidiin kina Lee at Raz sa kasong serious illegal detention.

Under the law, walang piyansa ang sinumang sinampahan ng naturang kaso.

But for the sake of argument, let’s give both Cedric and Zimmer a chance to hear their side, kung paanong mabibilog nila ang mga ulo na naniniwalang guilty nga sila sa naturang offense.

While two of Vhong’s several assailants are already detained, may nagsasabing hindi raw dapat magpakampante ang TV host-actor dahil sa lawak umano ng impluwensiya ni Cedric sa mga matataas na opisyal ng gobyerno.

So, what should Vhong do, huwag nang ipursige ang kaso dahil pader ang kanyang binabangga? All the more that Vhong should pursue the case if only to prove that justice in the country is not only for the wealthy and mighty.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …