Thursday , June 4 2026

ABS-CBN at Charo Santos-Concio, panalo ng Gold Stevie awards (Itinanghal na Services Company at Woman of the Year…)

Maricris Valdez Nicasio

WAGI ng Gold Stevie Awards ang ABS-CBN at ang president at CEO nitong si Charo Santos-Concio sa Services Company of the Year at Woman of the Year categories para sa Pilipinas sa prestihiyosong 2014 Asia-Pacific Stevie Awards.

ABS-CBN ang isa sa dalawang kOmpanya mula Pilipinas na nagwagi ng Gold Stevie Award ngayong taon. Kinatawan nito ang bansa bilang isa sa 300 na kompanya at executives sa buong Asia-Pacific region na naglaban-laban sa 18 kategorya ng Asia-Pacific Stevie Awards.

Ang Asia-Pacific Stevie Awards ang unang business awards program sa 22 na bansa sa Asia-Pacific region. Ito ang pinakabago sa lahat ng Stevie Awards programs, kabilang ang International Business Awards na higit sa isang dekada nang nagbibigay ng karangalan sa iba’t ibang kompanya sa buong mundo.

Pinarangalan ang ABS-CBN para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Filipino sa loob at labas man ng bansa, lalo na nang tumugon ito sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Inilunsad ng ABS-CBN ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na campaign na naglikom ng pondo sa pamamagitan ng Tulong shirts at ang star-studded na Tulong fund-raising concerts. Nagsagawa rin ang Kapamilya Network ng relief at rehabilitation para sa mga nasalanta ng bagyong Pablo, krisis sa Zamboanga, at lindol sa Bohol.

Kinilala naman si Santos-Concio sa kanyang pamumuno sa ABS-CBN, dahilan ng patuloy nitong pamamayagpag sa TV ratings at ang pagpalo sa takilya ng mga pelikula ng Star Cinema, pagtaas ng kita ng kompanya, at pagsabak nito sa ibang negosyo gaya ng ABS-CBNmobile, ang theme park na Kidzania Manila, at TV home shopping channel na O Shopping, at ang patuloy nitong pagbibigay ng serbisyo-publiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …