Monday , May 20 2024

Pinas no. 1 sa tambay

050514_FRONT
DEADMA ang Palasyo sa ulat na ang Filipinas ang nanguna sa pinakamaraming bilang ng mga tambay sa buong kasapian ng Association of Southeast Asian Nations (Asean), at sa nagaganap na rotating brownout sa Mindanao.

Tiniyak ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kahapon, sa kabila ng mga kapalpakan sa tungkulin at panawagan ng iba’t ibang grupo na sibakin sa pwesto sina Labor Secretary Rosalinda  Baldoz,  at  Energy Secretary Jericho Petilla, mananatili pa rin sila sa gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Sa akin pong pagka-batid ay buo ang tiwala at kompyansa ni Pangulong Aquino kina Kalihim Rosalinda Baldoz ng Department of Labor and Employment at Carlos Jericho Petilla ng Department of Energy,” sabi ni Coloma.

Binatikos ng labor groups si Baldoz nang lumabas ang ulat ng International Labor Organization (ILO) na ang Filipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga walang trabaho sa buong ASEAN.

Base sa Global Employment Trends ng ILO, nakapagtala ang bansa ng unemployment rate na 7.3% noong 2013.

Habang ang Brunei ay 3.7 percent, Burma, 3.5 percent; Malaysia, 3.2 percent; Singapore, 3.1 percent, at Indonesia, 6 percent.

May pinakamababang unemployment rate ang Vietnam, 1.9 percent; Laos, 1.4 percent; Thailand, 0.8 percent; at Cambodia, 0.3 percent.

Inuulan din ng kritisismo si Petilla bunsod ng nararanasang apat hanggang anim oras na brownout sa Mindanao araw-araw at hindi pagpigil sa patuloy na paglobo ng presyo ng koryente.

ni ROSE NOVELINO

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kabag sa alimuom ng ulan tanggal sa Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Sipat Mat Vicencio

Tiyak na sibak si Sen. Bato sa eleksiyon

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kung inaakalang manananalo pa siya …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *