Friday , November 22 2024

P16-M shabu nasamsam sa buy-bust (11 katao tiklo)

NASAMSAM ang P16-milyon shabu at arestado ang 11 ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs – Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa isinagawang buy-bust sa Marikina City, iniulat kamakalawa.

Unang nalambat sa nasabing operation  sina Miralona Iyana Pimba, alyas Alona, 30, ng Singkamas St., Brgy. Tumana; Salim Lala Pimba alyas Salim, 38, may-asawa, ng #40 Singkamas St.; Albert Alipato alyas Buboy, 42, ng Daisy St., Minahan Brgy. Malanday; Elaine San Jose Medina, alyas Ella, ng #68 Palay St., Tumana; at Aldrin Catdoy Rebuso, alyas Ipit, 27, ng #24 Daisy St., Brgy. Malanday, pawang ng lungsod ng Marikina.

Nasamsam ng mga awtoridad sa mga suspek  ang 500 gramo  shabu na may halagang P.6 milyon, mga bala, cellphone, timbangan ng droga at cash na P.2 milyon at P20,000 marked money.

Kasunod na nasakote ang mga suspek na sina Recon Pimba, 38, alyas Yasmin 17; at alyas Jerome 17,  pawang nakatira sa Blk-43, Singkamas St., Bgy. Tumana, ng lungsod.

Nakompiska sa kanilang pag-iingat ang shabu na may street value  P.7 milyon, dakong 2:20 p.m. sa nasabi rin lugar.

Bukod sa nauna, tatlo pa ang nadakip na pinaniniwalaang mga tulak ng droga na sina Amino Malaatao Abdul, 26; Asmila Afuan Gimba, 30; at Ian Lawrence Merdegia Banares, 18, kapwa tubong Marawi, pawang nakatira sa Blk-45, Mais St., Bgy. Tumana.

Nakompiska sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu may street value na hindi bababa sa P.5 milyon, 8 cellphone, isang cal. 45 baril, mga bala at cash na ginamit sa buy-bust.

Nakapiit ang mga suspek sa detention cell ng Marikina police at sasampahan sa piskalya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, Section 26, 05 at 11, Article II at Presidential Decree 1866 (illegal possession of firearms and ammunitions).

(MIKKO BAYLON)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *