Thursday , June 4 2026

Hipag sinaksak bayaw nagbigti

NAGBIGTI ang isang lalaki makaraan niyang saksakin ang kanyang hipag kahapon sa Quezon City.

Kinilala ang nagbigting suspek na si Ralph Alejandro, 48, may-asawa, ng #24 Vices St., Carmel 5 Subd., Tandang Sora, Quezon City.

Samantala, inoobserbahan sa Pacific Global Medical Center ang hipag ng suspek na si Zorayda Tantua, 50, may-asawa, residente rin sa naturang address.

Ayon kay SPO2 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3, naganap ang insidente dakong 7 a.m. sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, nasa loob ng bahay ang biktima nang bigla siyang saksakin ng suspek sa balikat, dibdib at tiyan bago pumasok sa kanyang kwarto ang salarin.

Agad nagresponde sa insidente ang mga awtoridad at pinakiusapan ang suspek na sumuko.

Ngunit hindi lumabas ang suspek kaya sapilitang binuksan ng mga pulis ang silid.

Ngunit nabungaran nilang walang buhay nang nakabigti ang suspek.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …