Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Herbert, ‘di na itutuloy ang panliligaw kay Kris (Dahil sa sobrang stress mula sa backlashers…)

ni  Reggee Bonoan

UMUURONG na raw si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa panliligaw niya kay Kris Aquino, nabalitaan mo ba ito Ateng Maricris?

May nagkuwento sa amin na na-stress daw si Mayor Bistek dahil sa backlashers simula nang ianunsiyo ni Kris sa Aquino & Abunda Tonight na nagkakamabutihan sila ng Ama ng Lungsod ng Kyusi.

Dagdag pa ng aming source, “sobrang stress daw ngayon si Herbert so I don’t know what’s next.  Let’s wait and see na lang.”

Isa pa siguro sa dahilan kaya uurong na si Bistek sa panliligaw niya kay Kris ay sa dahilang nakarating sa amin na sobrang apektado raw ang mga anak niyang nasa showbiz na rin na sina Athena, (17) at Harvey (10).

Kuwento naman sa amin na napanood daw ng dalawang anak ni Herbert ang pag-amin ni Kris sa programang AA at wala raw ginawa kundi mag-iiyak ang dalawang bagets.

“Actually, ‘yung dalawang bata na ang nagpupumilit na umalis ng Pilipinas as in ngayon na, nag-empake na sila,” sabi sa amin.

Tinanong namin kung ano ang reaksiyon ng nanay ng mga anak ni Herbert na si Ms Tates Gana na matagal ding nakasama sa iisang bubong.

“Wala naman, hindi naman kumikibo ‘yun, kung anong plano ng mga anak, ‘yun ang susundin niya,” sabi sa amin ng taong concerned sa mag-iina.

Binalikan namin ng tanong ang taong nagkuwento na tila umuurong na si Herbert sa panliligaw niya kay Kris kung anong reaksiyon ng Queen of All Media sa plano ni Mayor?

“I don’t know, hindi ko alam, ask her, ‘di ba close kayo?” balik-tanong sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …