Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PacMan, Bradley parehong gustong manalo

MATINDI ang motibasyon ni Manny Pacquiao para talunin si Timothy Bradley sa magiging laban nila sa Abril 12 (Abril 13 sa Pinas) sa MGM Grand sa Las Vegas.

Una’y para maipaghiganti ang naging pagkatalo niya kay Bradley sa una nilang paghaharap na kung saan ay naging kontrobersiya ang split decision pabor sa Kanong boksingero.

“I’m not angry after the decision,” pahayag ni  Pacquiao sa naging verdict sa unang laban nila ni  Bradley sa kamakailan lang na  conference call. “The officials did their best, and no one is perfect in this world, and sometimes they make mistakes. It’s part of boxing. I wasn’t really bothered after the fight.”

Ang ikalawang motibasyon ni Pacman ay ang misyon nitong pagbabalik sa pedestal ng boksing para muling makaharap si Juan Manuel Marquez na siyang nagbigay sa kanya ng kahiya-hiyang knockout na pagkatalo noong June 2012.

Ang motibasyon ni Manny ay uminit nang makapagrehistro siya ng malaking panalo kontra kay Brandon Rios noong Nobyembre 2013.

Kinontra naman ni Bradley ang pananaw ng mga kritiko tungkol sa motibasyon ni Pacquiao para sa kongklusyon na nagbabalik na nga si Pacquiao sa limelight.  Ayon sa kanya, wala na ang dating bagsik ng kamao ni Pacquiao  na ipinakita niya kontra kina Oscar De La Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto.

Sinabi pa ni Bradley na tatalunin niya si Pacquiao via knockout para idiin sa lahat na siya ang tunay na nanalo sa una nilang paghaharap.

Sa mga sinabi ni Bradley, may huling babala si Pacman…

“The more he says it, the more it inspires me to show the hunger and the killer instinct he is talking about,” pahayag ni Pacquiao. “I am not angry or disappointed about what he says to me, but I’m happy that he has told me that because it inspires me to train hard and to focus in the gym on my game plan and focus on the fight. It is a benefit for me.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …