ni Dominic Rea
BUNGANGA sa bunganga kasabay ng boses sa boses naman ang irarampa ng pak na pak na konsiyerto ngayong May 16 ni Anne Curtis sa Big Dome. Ito ay ang repeat ng kanyang The Unkaboggable-The Forbidden Concert na walang takot susubukan ni Anne ang pagkanta naman ng mga opera song sa kanyang concert.
As in during the said presscon ay walang kiyemeng nagbigay ng sample ang sikat na aktres/host/singer na rin sa entertainment press huh! Diyan kami bilib kay Anne, ‘yung titulo niyang Miss Self-Confidence na wala siyang pakialam sa sasabihin ng nakaririnig sa kanya, mabingi man kayo o mairita sa kanyang boses basta’t kakanta siya! Ganoon!
Diyan din minahal ng madlang people si Anne ayon na rin sa kanyang pagiging prangka at walang preno sa mga gusto niyang ipakita sa buong mundo. Just like Dyesebel serye niya na laging trending sa social media huh! As in batang sirena palang ay umaariba na sa pagkanta sa ilalim ng dagat na naiirita na rin ang mga kapwa niya sirena ganoon din ang pusit at sea horse sa kanyang pakiramdam niya’y gintong boses niya noh!
Kakaloka ka Anne Curtis! Goodluck sa isang single na gagawin mo sa ilalabas na soundtrack album ng Dyesebel! Paaak!