BUTATA ang tangkang pag-ismagel ng P2-MIL-YON halaga ng mosquito coils mula sa China sa loob ng dalawang container vans nang inalerto ng Cebu Customs police.
Ayon kay ESS Cebu Customs Police Division chief Capt. Jerry M. Arizabal, ang nasabing PARATING noong nakaraan Marso 15 at Marso 22 ay naka-consign sa Stargaze Enterprises, ng Tudtud Street, Mabolo, Cebu City. BULONG NG ATING BUBUYOG, isang “Boboy Lao” ang dumiskarte sa nasabing parating na pinalagan ni Ramon Dakay, general ma-nager of Green Coil Industries Inc. Inihayag ni Capt. Arizabal na ang dalawang shipments na JAGUAR ang brandname ng mosquito coils ay walang Certificate of Product Registration (CPR) mula sa Food and Drugs Administration. KINOMPIRMA naman ni Port of Cebu district collector Roberto T. Almadin ang alert order na inirekomenda ng Cebu Customs police at sinabing ang mga nasabi isinailalim na sa masusing pagsusuri at imbestigasyon. Nanawagan si Dakay sa FDA Center for Cosmetic Research na IMBESTIGAHAN ang chain of stores sa Cebu, Davao, Cagayan at Metro Manila dahil sa pagbebenta umano ng mga mosquito coils – mas kilala sa tawag na KATOL – na hindi man lang nakasumite ng mga samples at product registration. Samantala, muling SURPLUS COLLECTION na naman ang Port of Cebu sa kabila ng nakatokang napakataas na collection target nitong nakaraang buwan ng Marso. Ito ay sa kalagitnaan ng UMUUSOK NA SIGALOT sa pagitan ng dalawang matataas na opis-yal sa Bureau of Customs na mukhang nagkagirian para sa kani-kanilang manok sa 2016 presidential elections.
Abangan ang SUSUNOD NA KABANATA!
ni Junex Doronio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com