Tuesday , July 5 2022

Miriam for president?

HALATANG nag-iikot na rin itong si Senadora Miriam Defensor Santiago.

Ito ang napapansin ng ating mga kababayan dahil kapag siya’y nag-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa ay kaagad nalalaman ng madla dahil kasama niya ang media.

Marami tuloy ang nagtatanong kung tatakbo bang muli si Aling Miriam bilang pangulo ng bansa dahil kapansin-pansin anila ang pagpapapansin at pag-iingay sa mga isyu ng bayan sa kasalukuyan.

Lahat yata ng upak ay kaya niyang gawin sa kanyang mga kasamahang politiko maging sa Senado at Malakanyang dahil talaga namang hindi kayang pigilan ang kanyang bibig ng sinoman.

Naniniwala kasi ang karamihan sa mga katoto ni Aling Miriam na kapag tumanggi siya sa iyong pag-awat malamang sila ang mabababalikan at ipagkakalat na kasapakat ng inaarbor na kaibigan.

Sinabi rin ni Defensor-Santiago, na napapanahong muli na isang babae ang humawak ng bansa kaya’t lahat na yata ng clue para sabihin niyang interesado siya sa 2016 presidential election ay labas na.

Ang tanong na lang ngayon ay kung sineseryoso ba ng bayan ang kanyang mga binibitiwang pahayag o sadyang pinakikinggan na lamang si Miriam?

Marami rin ang nagtatanong kung may ang-kin pa siyang karisma at dating sa madla dahil matagal-tagal na rin naman siya sa politika sa estado lalo’t higit alam din lahat na siya ang biktima ni Tabako.

Mga misteryong dapat sagutin ng bff ni Juan Ponce Enrile dahil tiyak na ang gagawin niyang pulutan ay ang isyu ng pork barrel scam na ta-laga naman kinagat ng publiko maging ito man ay tahasang banat ni Miriam o sa pamamagitan ng pick-up lines na talaga namang patok sa masa.

Pero isa lang ang tiyak natin sa 2016, kasali man o hindi si Miriam ay gagawa siya ng ingay na hindi natin malilimutan.

ni  Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

RIP, Nonoy Andaya

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ITINAKDA ngayong araw ang inurnment ni dating Camarines Sur …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Patay muna aso bago turok ng bakuna

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAPAG namatay na ang aso, saka lang babakunahan para sa anti-rabies …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply