Monday , December 23 2024

Lakas ‘di makatutulong kay Binay

MAGPAPAHINA lamang sa gagawing laban ni VP Jojo Binay sa 2016 presidential race ang pagkuha niya sa partidong Lakas.

Ito ang malinaw na mangyayari sakaling magkaroon ng alyansa ang bubuuing partido ni Binay at Lakas ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Bukod kasi sa wala nang appeal ang Lakas sa madla dahil sa sandamakmak na kontrobersiyang kinasangkutan hinggil sa kwestiyonableng paggastos sa pondo ng bayan ay wala na rin matinong lider na pwedeng tumayo sa ngalan ng kanilang grupo.

Si Senador Bong Revilla,  ang kanilang lider sa ngayon ay bumagsak na rin ang dating sa publiko dahil sa pagkakadamay sa usapin ng pork barrel na daan-milyong piso ang nilustay umano.

Maging ang lider nilang si Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi na rin pwedeng ipambala sa sambayanan dahil sa kaliwa’t kanang kontrobersiyang kinasasangkutan; dagdag pa rito ang usapin ng kalusugan ng dating lider ng bansa.

Kung si dating pangulong Fidel Ramos naman ay tatayong lider ng Lakas ay mukhang malabo na rin dahil nawala na ang appeal niya sa tao dagdag pa ang usapin na nalipasan na rin siya ng panahon.

Samakatuwid, hindi na dapat ikonsidera bilang threat at hebigat ang Lakas sa 2016 dahil papunta na sa pagkakawatak-watak at pagkawasak dahil sa mahinang pundasyon ng partido.

***

Marami na ang lumalaro sa Liberal Party ni Mar Roxas at sa bubuuing partido ni VP Jojo Binay.

Malinaw sa pahayag ni Rep. Toby Tiangco, tagapagsalita ng grupo ni Binay na sandamakmak nang trapo ang nakikipag-usap sa kanilang upang ireserba sila ng pwesto sa bubuuing partido.

Sa maikling salita, wala nang loyalty ang mga politiko ngayon sa bansa dahil kung totoo ang sinasabing ito ni Mang Toby ay wala nang kakampi ngayon si Roxas sa Kamara.

Bagay na dapat nang i-tsek ng grupong Roxas dahil baka papalapit nang papalapit ang 2016 ay mawalan sila ng kaalyado dahil kilala naman natin ang mga politiko sa bansa at iyan ay ang ugaling oportunista at segurista.

Sa grupong Mar Roxas lalo’t higit kay Mang Bong, na isa sa trusted ng DILG boss, aba’y kilos-kilos din pag may time!

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *