Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, ‘di kayang tapatan at pataubin!

 ni  Jay Orencia

MILYA-MILYA ang agwat sa ratings ng teleseryeng Ikaw Lamang sa kalaban nitong programa sa kabilang estasyon. Simula sa pag-uumpisa nito hanggang ngayon, ito pa rin ang nangunguna.

Sino ba naman ang tatalo sa lakas ng karisma ng bidang aktor na si Coco Martin? Lahat ng teleseryeng kanyang pinagbidahan, tinutukan ng karamihan at palagi siya ang number one. Walang puwedeng tumalo sa kakayahan ni Coco bilang aktor. At walang sinuman ang puwedeng tumapat sa Dreamscape Entertainment Television na siyang gumagawa ng mga obrang istorya dahilan ng kanilang pangunguna.

Hindi kailanman kalilimutan ng mga namumuno sa Kapamilya ang pagbibigay ng proyekto kay Coco lalo’t alam nilang maraming tagahanga at sikat na sikat ito at nagpapasok  ng yaman sa kanilang kaban. Ang maganda pa, iba’t ibang klase ng istorya ang kanilang ginagawa para hindi pinagsasawaan ng manonood.

Kaya, kahit ano pang programa ang itapat kay Coco, hindi kailanaman sila magwawagi. Ang litanya nga ng kanyang mga tagahanga, Coco, IKAW LAMANG ang para sa amin. Ganoon!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …