PATAY sa ambush ng riding in tandem ang 65-anyos negosyante habang nag-kakape sa labas ng kanyang bahay sa Antipolo City kahapon ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Dionisio Asensio, 65, ne-gosyante, retired employee, at nakatira sa Granada Avenue, Pagrai Hills, Brgy. Ma-yamot, sa lungsod.
Ayon sa ulat, dakong 7:40 am, nagkakape ang biktima at ang kanyang kausap nang dumatingang dalawang suspek lulan ng motorsiklo na bigla siyang pinagbabaril.
Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Naisugod ng mga kaanak ang biktima sa Marikina Valley Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Masusing iniimbestiga-han ng mga awtoridad ang insidente. (ED MORENO)