ISANG Aklanon si Ladylyn Riva, 26, candidate no. 39 sa Bb. Pilipinas 2014. Si ‘Lady’ (tawag kay Ladylyn) ay isang registered Nurse, freelance make-up artist at print and commercial model. Mahilig din siya sa sports na tennis, badminton, at wakeboarding.
Itinuturing si Lady, na isang ‘dark horse’ sa pageant dahil siya ay nakapagsuot na ng mga beauty tilt crowns, tulad ng makoronahan siyang Miss Casino Pilipino 2011. Sumali rin siya sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant 2011 at dagliang nakapasok sa semi-final round.
Sakaling palarin ngayong March 30, ang korona ay iaalay niya sa namayapa niyang lola na nagtaguyod sa kanya at nagturo na manatiling positibo sa buhay anuman ang mangyari.
Matupad na nga kaya ang pangarap na magwagi sa Bb. Pilipinas 2014? Abangan!