Monday , December 23 2024

Tatakas si ‘Pogi?’

WALANG kakupas-kupas ang ningning nina Sens. Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revila pagdating sa pangungulimbat sa pera ng bayan.

Silang tatlo na naman ang nanguna sa listahan ng 83 mambabatas na naglagak ng kanilang milyon-milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles na pinadaan sa National Agribusiness Corporation (Nabcor) na ibinulgar kamakalawa ng dalawang dating opisyal ng Nabcor.

Nauna nang nabulgar na inendoso rin ng tatlong senador ang mga pekeng NGOs ni Napoles sa Technology Resource Center (TRC), National Livelihood Development Corp. (NLDC), ZNAC Rubber Estate Corp. para maging benepisaryo ng kanilang pork barrel.

Kaya hindi na tayo nagulat na hilong-talilong si Revilla sa paghahanap ng paraan upang mapigil na maisampa sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa kanila at makaiwas na makarsel.

Hindi kasi umubra ang masamang balak niyang inihirit sa isang religious group para buweltahan ang Palasyo bunsod ng P10-B pork barrel scam na ibinuking ng balae niyang aktres na si Ms. Rosanna Roces.

Ikukubli kaya ni “Pogi” ang pagtakas sa kasong pandarambong sa dadaluhang “banal na aktibidad” sa ibang bansa kasama ang kanyang buong pamilya?

Sabay na pag-epal

nina De Lima at Escudero

KAPWA sinakyan nina Leila de Lima at Sen. Chiz Escudero ang nabunyag na tumanggap ng P2 milyon halaga ng tseke nina Erwin Tulfo at Melo del Prado bilang advertising commission sa Nabcor.

Kesyo paiimbestigahan daw ni De Lima ang isyu at si Escudero naman ay iimbitahan ang dalawa sa pagdinig sa pork scam probe sa Senado.

Kung ang utak ng pork barrel scam ang gustong tumbukin ng Senate probe, mas mainam na obligahin ni Escudero na paharapin sa imbestigasyon sina Estrada, Enrile at Revilla kaysa kumbidahin sina Tulfo at Del Prado na wala naman inilagak na pork barrel sa pekeng NGOs ni Napoles.

Totoo kaya na magkasabwat sina De Lima at Escudero sa paghahalong parang kalamay sa P10-B pork barrel scam probe at isang kapwa rin nila Oragon na NBI official ang dumiskarte kay “Jenny Napoles” para humingi ng campaign funds sa inaasam nilang Escudero-De Lima o De Lima-Escudero tandem sa 2016 elections?

Ano kaya ang tunay na dahilan ng pananahimik ni NBI Deputy Director Rafael Ragos sa isyung siya ay ang nakipagkita kay Napoles sa isang five-star hotel?

“BIG FISH” PANTAKIP

SA WERFAST ISYU AT NAPOLES DATE WITH NBI OFFICIALS

SANTAMBAK na ang reklamo laban sa Werfast Documentation  Agency  dahil bigong ihatid sa mismong mga bahay ng legitimate gun owners ang lisensiya ng kanilang baril, alinsunod sa kontratang pinirmahan nito sa Philippine National Police (PNP).

Dahil sa alingasngas na ito’y nabunyag tuloy na mayroon din palang mala-”Napoles” at “Ma’am Arlene” sa Camp Crame na nasa likod ng Werfast na kilala bilang “MJ.”

Aba’y kung napaulat na ang mga may-ari ng Werfast ay malapit kay PNP Chief Alan Purisima, may dapat imbestigahan si Interior Secretary Mar Roxas sa kanyang bakuran.

“Chance” na kaya ito ni Roxas na buweltahan si Purisima na balita’y hindi siya kinikilalang ‘boss’ dahil nakadirekta ito kay PNoy?

Ngunit dahil si PNoy mismo ang nag-anunsiyo na may tinatrabahong big fish ang awtoridad, maaaring ito ang itatapal ng PNP sa Werfast “MJ” isyu at sa naging “date” ni Napoles sa 2 high ranking NBI officials ni De Lima.

Makakamit lang pala ni Juan dela Cruz ang hustisya sa bansang ito kapag may malalaking eskandalo na yumayanig sa gobyerno.

“KATAPAT” SA RADIO DWBL

PAKINGGAN ang mga umuusok na balitaktakan sa mga napapanahong issue at pagbubulgar sa mga katiwalian sa programang KATAPAT na napapakinggan sa Radio DWBL (1242 Khz.), 11:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi, Lunes hanggang Biyernes.

***

(Para sa anomang sumbong at reaksiyon, tumawag lamang sa 09174842180, o lumiham sa [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *