Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, yumaman dahil sa pagiging kuripot!

ni  Pilar Mateo

NATAWA lang si Anne Curtis nang tanungin siya base sa reaksiyon ng ibang mga tao (na malamang taga-ibang network) na bakit siya pa ang kinuhang Dyesebel eh, matanda na raw ito (29 years old)?

Sabi naman ni Anne, “Maski naman ako tinanong ko rin sila when I came back from Canada kung sure sila na ako ang gagawa ng ‘Dyesebel’. Ako nga nagsabi na hindi ba matanda na ako to do her character? They did naman a lot of surveys and ako naman ‘yung lumalabas.”

At ngayong nagsimula nang lumangoy si Dyesebel sa karagatan ng malikhaing isipan ng mga manonood, aba! nag-trending ito worldwide, ha!

“Kaya I am so very thankful. I know may mga mali akong nagawa in the past and I’ve said sorry sa mga nagawan kong hindi maganda and I have moved on. What I did was kumapit ako sa mga tao who were honest to me and who will tell me the truth.”

But far from the truth eh, ang inaabangang pagpapakasal nila ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff.

“It could happen anytime. Pero wala pa naman kaming balak. Pareho pa kaming ang priority eh our careers. Siya with his restaurant. Pero natutuwa naman siya with all that I do now na ‘am doing ‘Dyesebel’ kasi he’s getting to know more about mga kuwentong Filipino.”

Anne is just happier. And richer, too dahil aminado siyang mana siya sa kanyang mahal na inang kuripot.

“Ilocana si Mama! Kaya naituro niya sa amin the value of money.”

Gagasta lang pala si Anne kapag alam niyang naka-quota na siya sa goal niyang savings.

Ang pinaka-mahal daw na na-purchase niya are a pair of earrings, her house and lot at sasakyan!

Sorry for her mistakes, nari-realize niya ngayon na more than anyone else, mga kabataan ang umiidolo sa kanya dahil sa nominasyon niya sa Nickelodeon Kids Choice Awards.

“Please vote anneph!”

Rich daw siya in love-not just from boyfriend Erwann but her family, friends and fans.

Ano bang matanda ng sirena?

Naalala niyo ba si Joanna Raunio sa ginanap ditong Miss Universe 1973? Runner-up siya at ginawa siyang leading lady ni Papang Chiquito sa Lorelei. ‘Di ba’t nag-enjoy din tayo kay Daryl Hannah sa Splash?

Maka-matanda naman ang iba riyan. Si Anne eh, kilalang-kilala na worlwide!

Gary, handang-handa na para sa Arise Gary V.3.0 concert

NAGPARAMDAM ba naman sa Venice Piazza si Mr. Pure Energy para sa kanyang inspirational album na With You from Universal Records?

Pina-praktis pa rin ni Mr. Pure Energy ang lakas ng kanyang tuhod although inamin naman nito sa una niyang album launch na binabawas-bawasan na rin niya ang mga move and groove that he does onstage.

Kailangan din daw niya kasing maging physically feet sa April 11 and 12 concert niya sa SMART-Araneta, ang Arise Gary V. 3.0 in lieu of his 30th anniversary.

Maski naman daw siya mismo eh, pinapakiramdaman na rin ang pwede pang maging kapasidad ng kanyang katawan. Tatlong dekada na siyang gumagalaw na tila trumpo sa ibabaw ng entablado. It’s about time naman daw na maghinay-hinay din.

“I don’t want to get to that point na I will hear people saying na ‘ay! Hindi na niya kaya!”

But with you, his supporters, no performance is complete without his hataw moves!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …