Thursday , June 4 2026

13-anyos itinumba sa computer shop

PATAY ang 13-anyos binatilyo nang barilin sa loob ng computer shop, ng hindi nakilalang suspek na naka-bonnet,  sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Ramon Tanjongco, 13-anyos, out of school youth (OSY), ng C. Perez St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod, sanhi ng isang tama  ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo.

Batay sa ulat ni PO3 Jun Belbes, may hawak ng kaso, dakong 4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng Santina Computer shop  nasa #35 Roque St., ng nasabing barangay.

Nanonood umano ang biktima sa mga naglalarong kostumer sa computer shop nang pumasok ang naka-bonnet na suspek  at agad pinutukan ang biktima sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Nauna rito, dakong 2:20 ng madaling araw ay  nakasagupa ng biktima at mga ka-tropa ang kalabang grupo sa isang riot sa Kadima, Letre ng nasabing barangay na nauwi sa habulan.

Hindi inakala ng biktima sa nasundan siya sa computer shop ng isa sa mga kalabang gang at doon inupakan.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …