Fetus bumara sa inidoro

BUMARA sa inidoro ang fetus na lalaki nang i-flush sa  comfort room sa isang apartment sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Supt. Raymund Ligudin, Station Commander ng Manila Police District (MPD)-Station 11, dakong 9:30 ng gabi nang madiskubre ang tinatayang 5-6 na buwang fetus sa comfort room sa 1274 C.M. Recto corner Benavidez St., Binondo.

(leonard basilio)