Thursday , June 4 2026

Lassiter, Slaughter ipatatawag ng Kongreso

NAIPASA na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4084 ni  Antipolo Rep. Robbie Puno para maging naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas si Andray Blatche.

Sa botong 216-0 at walang abstentions, nakalusot ang nasabing bill ni Puno kaya mapapabilis ang pagdating ni Blatche sa Pilipinas para tumulong sa Gilas sa kampanya nito sa FIBA World Cup sa Espanya at ang Asian Games sa Korea.

Magiging back-up si Blatche kay Marcus Douthit na naunang binigyan ng naturalization noong 2011.

Hinihintay  na lang sa Senado ang parehong batas na iniakda ni Senador Juan Edgardo Angara at kapag naaprubahan na ito ay iaakyat ito kay Pangulong Aquino para maisabatas na.

Nag-a-average ngayon si Blatche ng 10 puntos, 5.4 rebounds at 1.4 assists para sa Brooklyn Nets sa NBA.

Samantala, nakatakdang imbitahan ni Rep. Elpidio Barzaga sina Marcio Lassiter at Greg Slaughter sa Kongreso upang alamin kung bakit umatras ang dalawa sa pool ng Gilas.

Si Barzaga ang tserman ng House Committee on Games and Amusements at nais niyang hilingin sa Games and Amusements Board na kanselahin ang lisensiya ng dalawa.

Umatras sina Slaughter at Lassiter sa Gilas  dahil sa tingin nila ay mas karapat-dapat ang orihinal na 12 manlalaro ni coach Chot Reyes na pumunta sa FIBA World Cup at Asian Games.      (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …