ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI natinag sa number one spot ang Honesto, sa kabila ng pagtapat ng programang Kambal Sirena noong Lunes.
Base sa nationwide rating ng Kantar noong Monday, milya-milya pa rin ang layo ng Honesto with 32.4% laban sa 18.1% ng Kambal Sirena.
Malinaw na hooked ang buong bansa sa kuwento ni Honesto sa huling limang gabi nito. Napakaganda ng episode ng Honestonoong Monday. Na-witness ni Diego (Paulo Avelino) ang paglaki ng ilong ni Honesto at ito na ang patunay na mag-ama nga sila.
Marami ang naantig sa napakahusay na performance ni Paulo sa nasabing eksena nila ni Raikko Matteo.
Sa pagkikita ng mag-ama, paano makababawi si Diego kay Honesto at sa mga pagkukulang nito sa anak kung isa na na siyang fugitive?
Kaabangan-abang ang huling linggo ng Honesto na magtatapos ngayong Friday, March 14.