Tuesday , November 26 2024

BoC examiner 6 taon kulong sa 5 kaso ng perjury (SALN dinaya )

ANIM na taon kulong ang inihatol ng korte sa examiner ng Bureau of Customs,  na napatunayang nandaya sa kanyang  statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at nagkasala ng limang beses na paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3019.

Sa ponente ni Judge Amalia S. Gumapos-Ricablanca ng  Manila Metro-politan Trial Court (MTC) Branch 15,  ipinag-utos na si  Ana Marie Concepcion Maglasang,  nag-resign bilang customs  exa-miner sa  South Harbor, Port of Manila, ay mabilanggo  mula  4 na buwan at isang araw hanggang isang taon at isang araw sa bawat bilang  ng  kasong perjury at  P25,000 multa.

Kinasuhan si Maglasang  dahil hindi idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ang mga tunay na kayamanan, gaya ng mga sasakyan at mamahaling bahay sa mga exlusive subdivision para sa mga taon 1999 hanggang 2003.

Sa  ginawang lifestyle check,  nabuking  ang mamahaling SUVs ni Maglasang gaya ng Ford Expedition, Pajero,  mga bahay sa Valle Verde at Royale Tagaytay Estates na hindi idineklara sa kanyang SALNs.

Taon  2005, kinasuhan ng DoF-RIPS si Maglasang at kanyang kapa-tid na si Matilda C. Milla-re, dating Chief Customs Operations Officer  ng BoC.

Noong 2006,  napatunayan ng Office of the Ombudsman, ang mag-kapatid  na guilty sa kasong Dishonesty and Grave Misconduct kaya sila ay sinibak sa serbisyo.

Ito ang kauna-una-hang tagumpay ng  Department of Finance laban sa katiwalian mula nang itatag ang Revenue Integrity Protection Service (RIPS)  sampung taon na ang nakararaan.

”This is a landmark victory in the President’s customs reform program and anti-corruption agenda. At last, our efforts are gaining headway,”  ani Undersecretary Carlo Carag, pinuno ng DoF Revenue Operations and Legal Affairs Group, patungkol sa desisyon ni Judge Gumapos-Ricablanca.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Neri Colmenares Duterte ICC

Sa madugong gera kontra droga  
KASONG KRIMINAL vs DUTERTE PATULOY NA ISUSULONG SA ICC — NUPL

INIHAYAG ni dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na ipagpapatuloy nila ang paghahain ng …

FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares

FPJ Panday Bayanihan nominee Brian Poe nanawagan sa mas berdeng Filipinas

NANAWAGAN si Brian Poe Llamanzares, nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na magtulungan para sa …

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na …

PNP PRO3 Solar-powered blinker police outposts stations

Police visibility, accessibility pinaigting ng PRO3
Solar-powered blinker ipinalagay sa lahat ng police outposts at stations

SA PAGPAPAIGTING ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director P/BGen. Redrico …

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *