Thursday , June 4 2026

Tibo binasted bebot tinarakan ng balisong sa ulo

TARAK ng balisong sa ulo ang natanggap ng isang babae nang hindi pansinin ang panliligaw ng isang lesbian sa Malabon City, kamaklawa ng gabi.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Mylene dela Cruz, 19-anyos, ng Block 10-D, Lot 20, Phase 1, E-1, Pla-Pla St., Brgy. Lo-ngos ng lungsod, sanhi ng saksak sa ulo ng balisong, na nakabaon pa nang dalhin sa nasabing pagamutan.

Sa ulat ni PO3 Jun Belbes, may hawak ng kaso, dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Block 10, Lot 3, ng nasabing barangay, nang magkasalubong ang biktima at ang suspek na kinilalang alyas Danica.

Kinausap ni Danica si Dela Cruz tungkol sa iniluluhog niyang pag-ibig pero tumanggi ang babae na ikinagalit ng lesbian.

Dito nagtalo ang dalawa na nauwi sa sabunutan  hanggang bumunot ng balisong ang suspek na si Danica saka agad na sinaksak sa ulo si Dela Cruz.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …