Monday , December 23 2024

Hi-tech human trafficking namamayagpag sa www.manilatonight.com (Paging CIDG WACCO & NBI Anti-Cybercrime Unit)

00 Bulabugin JSY

ISANG website (www.manilatonight.com) ang nagkakamal ngayon ng sandamakmak na kwarta dahil sa pag-a-advertise ng malalaswang serbisyo na iniaalok ng iba’t ibang SPA-KOL sa Metro Manila.

Ang website na ito ay mina-manage umano ng isang Christopher Villarin na ang bank account ay Bank of Philippine Island 1990013388.

Ang serbisyong iniaalok ni Villarin sa mga may-ari ng SPA-KOL ay i-advertise ang mga ‘kakaibang servicio mundial’ sa pamamagitan ng kanyang website.

Please take note QCPD district director Gen. RICHARD ALBANO!

Namumunini Gen. Albano ang mga SPA-KOL sa area of responsibility mo.

Pinakasikat na SPA-kol sa website na ito ang  SHANANA SPA na matatagpuan sa Banawe St., Nakalatag ang telepono bilang 523.89.15. Len SPA sa Kalayaan Road, d’yan sa Diliman, Quezon City.

Ang Ameca SPA sa D. Tuazon, Daiyamondo SPA sa N.S. Amoranto, at Solace SPA sa Libis.

Nagsosolo naman sa West Ave. QC, ang TOUCH of SIAM na may mobile number na 0932-885-795 at landline na 415.05.64.

At para naman kay Paranaque Mayor EDWIN OLIVAREZ: Hindi rin pahuhuli ang The TRAVELER’S  SPA sa Sucat Road, Parañaque, Olivarez Plaza, Ninoy Aquino Ave., San Dionisio, Parañaque City.

Pwede raw silang makontak sa 668.74.50.

Kay Makati Mayor Junjun Binay: Sa Makati City, naririyan ang sikat na sikat na STARGATE SPA sa 3/F Carmen Bldg., Pasong Tamo Ave., cor Fernando St., MIRAGE SPA sa Granda St., at Bellagio SPA sa P. Burgos Ave.

Ang Berkeley SPA sa  Ortigas Center sa Emerald Ave., at Dictum’s SPA sa Marcos Highway.

Meron din sa Malabon City, ang Scent of Siamese sa McArthur Highway.

Last but not the least  sa Pasay City, ang Suenos SPA sa HK Sun Plaza, sa Macapagal Blvd.

Ano-ano ang serbisyong iniaalok?

Heto ang mga pamosong serbisyo sa ‘SPAKOL JARGON’ – bj plus daty, diamond massage, quick wash, sensation massage, shower together, buko juice, ahasin mo ako, boobs massage, fireworks at body to body massage.

PAGLILINAW po …hindi ko inilabas ang mga SPA-KOL na ito, ang numero nila at ang mga serbisyong iniaalok nila para i-promote ang mga kababuyan d’yan gamit ang mga menor de edad na babae.

Inilalabas ko ang mga detalyeng ito bilang ‘TIP’ sa mga awtoridad para matigil na ang illegal na human trafficking na bibibiktima ang mga kabataang kababaihan.

Paging PNP-CIDG-WACCO, NBI VAWCD & ANTI-CYBER CRIME UNIT!

FREEDOM OF INFORMATION (FOI) BILL MAGTAGUMPAY KAYA O NGUMANGA LANG ULIT SA KAMARA?

ALAM man natin na daraan pa sa matinding deliberasyon sa KAMARA ang Freedom of Information (FOI) Bill matapos itong ipasa at aprubahan sa Senado sa ilalim ng chairmanship ni Madam Senator Grace Poe, hangad natin na sana’y huwag itong matulad noong chairmanship ni Rep. Ben Evardone na dumaan sa sangkatutak na obstacle o sandamakmak na delaying tactics para huwag lamang maaprubahan bago matapos ang 15th Congress.

Kasabay nito, binabati natin si Senator Grace Poe sa kanyang seryosong pagsusulong sa nasabing bill na pinaniniwalaan din niyang makatutulong nang malaki para maibsan kung hindi man tuluyang mawakasan ang KORUPSIYON sa bansa.

Marami kasing probisyon sa FOI Bill na naggagarantiya na daraan muna sa butas ng karayom ang isang politiko sakali mang mailusot niya ang isang uri ng pagnanakaw o pandarambong.

Sa ilalim ngayon ng chairmanship ni Rep. Jorge Almonte ng House Committee on Public Information, magkaroon na kaya ng katuparan ang pagsasabatas ng FOI Bill?

Sana nga …

I’ll keep my fingers crossed.

ALYAS TATA SAL-SALASAR, TONGPATS NG ILEGALISTA SA QUIAPO

LANTARAN pa rin at talamak ang bentahan ng SEX GADGETS at mga gamot na pampatigas daw, at pampalaglag sa paligid ng simbahan sa Quiapo, Maynila dahil protektado ng isang tulis ‘este’ pulis na isa sa sinasabing kotong cops sa Manila City Hall.

Parang kending naka-display ang mga maninininda ng sex gadgets dahil may tongpats na lespu.

Malaki raw kasi ang timbre at hatag kay alyas Tata Sal-Salasar kaya malakas ang loob at garapalan na ang bentahan ng sex toys.

Ang lakas pang manindak ni Tata Sal-Salasar sa mga vendor na hindi pwedeng mag-pass sa kanilang kolektong para sa City Hall kundi ay wawalisin raw sila.

May dalawang aso si Tata Sal-Salasar na taga-City Security Force bilang kolektong n’ya sa Quiapo.

Sonabagan!

MASA Head Major Bernabe Irinco, pumapayag ka ba na may tauhan ka na notoryus sa kolektong diyan sa Quiapo?

O baka naman may basbas mo ang ilang kotong cops diyan sa sa opisina mo!?

Pakisagot nga!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *