Friday , November 15 2024

Pag-iibigan nina Empress at Marco, naudlot

ni  Reggee Bonoan

HINDI pa ba pinapayagang magka-boyfriend si Empress Schuck ng magulang niya o ng manager niyang si tita Becky Aguila?

Kaya namin ito naitanong ay dahil matagal na naming alam na crush nina Empres at Joseph Marco ang isa’t isa at alam din naming kakaiba ang tinginan nila kapag magkasama sila.

Pero sa hindi malamang dahilan ay parang hindi natuloy o hindi lang namin alam ang panliligaw ng kuya ni Raikko Mateo sa seryeng Honesto na nagtapos na kagabi kay Empress.

At sa tuwing nakikita namin si Empress sa bahay ng non-showbiz friends niya ay wala naman si Joseph o hindi naman nila napag-uusapan.

Sa madaling salita, hindi nag-prosper ang pagpapa-cute nila sa isa’t isa?

Anyway, sa isang panayam kay Marco ay inamin niyang inspirasyon niya si Empress dahil girlfriend material daw ito.

Ano kaya ang sagot ni Empress dito?

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEXni Jun Nardo NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald …

Hiwalayang Ai Ai-Gerald may 3rd party?

HATAWANni Ed de Leon HEADLINE sa lahat ng mga entertainment website si Ai Ai delas Alas. …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *